One

32.6K 770 1
                                    

Wish

Kailee's POV

Pagod na pagod ako sa maghapon na namang dumaan. Hindi ko napaubos ang fishball kong paninda kaya imbes na masayang ay ibinigay ko na lang sa mga street children na nadaanan ko at ang iba ay kinain ko bilang hapunan. Ako na lang naman mag-isa, kaya wala na akong iintindihin pag-uwi.

Ipinasok ko na sa may gate ang fishball cart na gawa ni Mang Andoy, asawa ni Aling Jenna at itinabi ito malapit sa pinto ng tinutuluyan ko. Binuksan ko ang pinto gamit ang susing nakalagay sa ilalim ng paso at nagpahinga ako saglit saka naligo.

Habang nagpapatuyo ng buhok ay napatigil ako't napatingin sa kabuuan ng maliit na espasyo kung saan ako mag-isang nagluksa sa pagkamatay ni nanay.

Ang lungkot lungkot.

Napabuntong hininga na lang ako't naisipang magpahangin sa labas, naupo ako sa isang baitang sa tapat ng pinto at tinignan ang langit.

Maraming bituin ngayon at maganda ang ulap. May malaki ring buwan na nagbibigay liwanag sa gabi. It almost looked romantic and magical, pero hindi nun napunan ang lungkot na nararamdaman ko gabi-gabi. Hindi ako madramang tao dahil wala iyong magagawa para mapakain ako, pero meron lang talagang mga araw na tulad ngayon.

Ang hirap pala ng mag-isa. Simula ng maiwan ako ni nanay, para na akong zombie. Nabubuhay ako pero hindi ko alam kung ano ba talagang purpose ko. Walang kakulay-kulay ang mundo ko.

Hindi ako makahanap ng trabahong permanente, wala akong malaking pera para maipangtustos sa mga simpleng pangangailangan ko at hindi ako pwedeng maging tamad kundi ay mamumuti ang mga mata ko sa gutom.

Minsan nakakaramdam din ako ng inggit sa mga estudyanteng nadadaanan ko, lalo na kapag napapadaan ako sa isang prestigious academy for college students matapos ang isang nakakapagod na araw.

Mukha silang walang iniintindi kundi ang mag-aral. Pero syempre ay thankful ako't buhay ako at humihinga pa rin.

Kaya unti-unti na rin akong napangiti habang nakatingin sa langit. Naalala ko kasi ang sabi ni nanay.

Na huwag akong panghihinaan ng loob, tatagan ko ang sarili para maharap ko ng maayos ang mga darating pang pagsubok sa akin. Huwag din akong magkukuling himingi ng tulong sa taas.

Kaya iyon ang ginawa ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, matapos manalangin ay sinubukan ko ding gawin muli ang ikinwento sa akin ni nanay.

I wish, I wish to have the life that I need. To be able to reach my dreams and to find people that will pull me up again in times of despair.

The Princess And The Butler [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon