"Ang tapang mo naman bata" nakangising sambit ng lalaking nakaupo sa lupa. Napatingin ako kay Xander at nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa lalaki. "Mga repa! Resbak na!" Nanlaki ang mata ko ng tumayo ang anim na kakalakihan sa tindahan. Ang lalaki pa ng katawan nila kaya alam kong di iyon makakaya ni Xander. Isa lamang siya ang pito ang kalaban niya.

Mabilis silang tumakbo papalapit samin at agad na binigyan ng suntok si Xander pero hindi siya natamaan kaya sinikmuraan niya ang lalaking sumugod sakanya at napahandusay na lang sa lupa. Ang iba naman ay sumugod na rin at agad silang binigyan din ng suntok sa mukha ni Xander. Ganon din ang ginawa niya sa iba ngunit ang pinakamalaki sakanila ay may hawak na kahoy na dos por dos at agad na pinalo kay Xander. Napabuo naman agad si Xander. Lalapitan ko na sana siya ng bigla niyang tinapat ang kamay niya sakin na sinasabing wag kong ituloy. Bumagsak na ang luha ko habang pinagmamasdan si Xander na nakaupo. Hahampasin na sana nung lalaki si Xander ng bigla siyang tumayo at inagaw niya ang kahoy at agad na pinukpok ang lalaki. Mabilis din itong nawalan ng malay kaya isa na lang ang natitira. Napatingin sakanya si Xander at agad na tumili at tumakbo.

"MAMAAAA!" sigaw nito habang tumatakbo ng mawala na ito sa paningin namin ay agad akong tumakbo papalapit kay Xander. May dugo rin siya sa ilong at putok din ang labi niya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" sambit ko sakanya napaupo na rin ako dahil nakaupo na siya sa lupa habang hawak hawak ang tyan niyang hinampas ng lalaki kanina.

Tumingin naman siya sakin at agad na ngumiti.

"Bakit ka ngumingiti diyan?! Tara na at gagamutin kita. Baka magising pa ang mga iyan at mabugbog ka pa lalo" ngumiti ulit siya at agad na tumayo inalalayan ko naman siya at mukhang napuruhan nga tyan niya dahil may lumalabas na dugo sa bibig niya.

Nakarating kami sa bahay at hirap na hirap ako habang akay akay si Xander. Napakataas ba naman ng bahay na to at talagang mapapagod ka. Agad ko naman siyang pinaupo at kumuha agad ako ng first aid kit ng makuha ko na ito ay agad akong lumapit kay Xander at umupo sa harap niya. Nakatingin lang siya sakin kaya agad akong yumuko at kinuha ang bulak. Ayokong tignan siya sa mata dahil alam kong tutulo lang ang mga luha ko. Babalik nanaman ang mga kasinungalingan na sinabi niya sa akin.

"Sinong kasama mo dito?" pagbasag niya sa katahimikan.

"Wala" maikling sagot ko saka dinampi sa sugat niya sa gilid ng labi ang bulak. Napangiwi naman siya sa sakit pero mas lalo ko lang itong diniin.

"Aray. Magdahan dahan ka naman" sambit niya kaya mas lalo ko itong diniinan. "Masakit"

Masakit? Mas masakit yung nararamdaman ko ngayon. Mas masakit yung bigla ka nalang iniwan sa ere.

"Bakit naman kasi naglalakad ka sa ganoong lugar lalo na at babae ka pa. Tsaka bakit ka magisa? Tsaka hindi naman ito ang bahay niyo hindi ba? Nasaan ang mama mo?" Sunod sunod na tanong niya. Aba may pakealam pa pala sakin ang isang to.

"Wala trip ko lang magisa. Bakit may problema ba doon? Tsaka bakit ka nagtatanong? Wala ka naman ng pake diba? Yung totoo Xander? Bakit mo sakin ginagawa to? Yung mga sinabi mo alin doon ang totoo o sadyang peke lang ang lahat? Pinaniwala mo ako sa mga kasinungaling mo. Akala ko totoo hindi naman pala. Sana sinabi mo sakin na trip trip lang yun edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon" tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Tuloy tuloy lang ang pagbagsak nila habang nakaharap ako kay Xander. Nakatingin lang din siya sakin na parang nasasaktan o baka peke nanaman ang pinapakita niya.

"Sorry. Naging duwag ako. Hindi ko alam na masasaktan ka ng ganon. Sorry kung ngayon lang ulit ako nagpakita sayo." Sambit niya na parang naluluha na rin.

"Punyeta naman Xander. Anong tingin mo sakin? Hindi tao para hindi masaktan? Oo yung pangtitrip mo lagi sakin okay lang yun eh. Pero yung ginawa mo ang sakit sakit na nun. Konti nalang mawawasak na yung puso ko. Sana hindi kana lang bumalik. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito Tama na Xander. Ayoko na. Ayoko ng maniwal pa sa lahat ng sasabihin mo" garalgal na ang boses ko dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko at parang nalabas ko na ata pero masakit parin. Hindi parin pala sapat.

Kinuha niya ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi at tumayo na sa harap niya. Hindi ko na kakayanin pa kung mas makita niya pa akong umiyak lalo. Ayokong maging mahina sa harap niya.

Niligpit ko na lang ang mga ginamit ko panggamot sa sugat niya.

"Maayos na ang sugat mo. Gagaling na rin yan. Pwede ka ng umalis"

Yung puso ko kaya kailan maging maayos at gagaling?

Tumalikod na ako sakanya at iniwan siya doon na hindi na nakapagsalita. Ayoko na rin namang marinig pa ang ibang sasabihin niya. Baka maniwala pa ulit ako sakanya.

Dumeretso na lang ako sa banyo at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tuluyan na nga siyang umalis. Napahawak na lang ako sa tyan ko. Hindi ko man lang masabi sakanya na magiging ama na siya. Pero mas magandang wag ko ng sabihin para sa ikakatahimik ko at ng baby ko.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon