Chapter 39 Love-Struck

Start from the beginning
                                    

"How are you?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin.

"Naaalala pa niya!" Sigaw ni Aiden. Kaagad siyang naglakad palapit sa akin tsaka ako yinakap. "Namiss ka namin parekoy!"


"Aray! Aray!" Pagkukunwari ko. Mabilis naman siyang hinila ni Kyla tsaka sinamaan ng tingin.

"Sorry, Kiel. Namiss ka namin. Pinahirapan mo din kami ng isang linggo." Sambit niya dahilan para mapataas ako ng kilay.


"Isang linggo?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Oo, Kiel." Malungkot na sagot ni Kyla sa akin. Napatango naman ako sa kanya habang hindi makapaniwala.


"A-Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Rinig kong tanong ni Jassy sa akin. Hawak-hawak ko pa din ang kamay niya habang natataranta naman siya at di mapakali.

Napangiti ako. "Come here." Sambit ko at tinapik ang espasyo sa aking gilid.


Nag-aalangan pa si Jassy kung uupo ba sa tabi ko o hindi. Bahagya kong hinila ang kamay niya at umusog ako ng kaunti para maka-upo siya.

"Okay, exit muna kami." Sambit ni Kyla tsaka hinila si Aiden. Mukhang hindi pa sila nagkakabati per sa tingin ko, magkaka-ayos din silang dalawa dahil hindi naman nila matitiis ang isa't-isa.


Liningon ko siya nang makalabas sina Kyla at Aiden. Kumunot ang noo ko habang hinuhuli ang mga mata niya.

"May problema ba, Jassy?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sakin habang nakayuko.


"Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi ka ba masayang nagising na ako?" Tanong ko sa kanya. Pinihit ko ang pisngi niya para makita ko ang mukha niya. Nagulat ako ng makitang umiiyak siya. Kaagad akong nataranta.

"Jassy? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"W-Wala..." Nakayukong sagot niya sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Tell me, what's wrong-" Hindi ko na natuloy ang itatanong ko dahil biglang sinapo ni Jassy ang kanyang mukha.


"Akala ko iiwan mo na ako. Akala ko hindi ka na magigising. Sobra akong natatakot, Kiel. Natatakot akong mawala ka..." Hindi maiwasang mapangiti sa huli niyang sinabi.

Lumunok ako at ibinalik ang aking seryosong mukha.


"Bakit ka natatakot na mawala ako?" Tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin tsaka iniiwas ito.

"H-Huh? Eh kasi diba, dapat ako yung tatamaan ng bala p-pero sinalo mo." Iwas niyang sagot sa akin. Tumango-tango ako.


"Ayun lang?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

"H-huh? A-Ano..." Na-uutal niyang sagot. Pinigilan ko ang pagngisi ko. Binitawan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin na si Jassy sa akin.


"Yun lang pala..." Panimula ko tsaka humiga ulit. "Matutulog na lang ulit ako."

"Huh? Hindi!!" Mabilis na tanggi ni Jassy sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring babalik sa pagtulog.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now