Chapter 32 End

Magsimula sa umpisa
                                    


Kung alam ko lang na may katapusan, sana'y sinulit ko pa lalo ang mga oras na kasama ko siya.

Nakita ko ang paglapit ni Kiel sa akin. Hindi ako umatras. Hindi ako umatras kahit na natatakot ang gawin niya muli ang ginawa niya kanina. Hinayaan ko lang siyang lumapit sa akin.


"Be happy without me." Bulong na sambit ni Kiel sa akin tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I can feel the warmth in his hands. Pumikit ako at hinayaan ang sarili kong umiyak.

"How I wish we can be in another life, so I can be with you." Mahinang sambit ni Kiel. Dahan-dahan niyang hinila ang aking mukha palapit sa kanya.


For the last time...I felt Kiel's lips touch mine.


Dinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa field ng DU. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang malawak na field.

Isang Linggo


Isang Linggo na simula nang sumapit ang gabing iyun. Ang gabing huli kong makikita si Kiel. Simula nun ay tinotoo niya ang sinabi niyang hindi na niya ako guguluhin pang muli. Simula ng gabing iyun ay hindi ko na siya nakita sa University.

Nakikita ko si Ingrid pero hindi niya kasama si Kiel. Nakikita ko si Aiden pero si Kyla ang kasama niya. Nakikita ko si Lance pero si Jasper ang kausap niya. Wala si Kiel.


Napahawak ako sa aking labi. Naalala ko ang huling sinabi ni Kiel sa akin.

"How I wish we can be in another life, so I can be with you."


How I also wish that it could be that easy. Hindi ko na naibalik ang t-shirt na pinahiram niya sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib. Kumikirot nanaman ito, at alam kong iisang dahilan lang kung bakit ito sumasakit. Sa iisang tao lang naman ito tumitibok.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Naglakad ako palabas ng University, at hinihintay si Kuya Joshua para sa pag-uwi ko. Kinuha ko ang earphone sa aking bag. Ilinagay ko ito sa aking tenga at nakinig ako ng music habang naghihintay.


Napakunot ang noo ko nang biglang may motor na papalapit sa pwesto ko. Pareho silang naka-itim at hindi kita ang mga mukha nila. Napa-atras ako nang makita kong huminto sila sa harapan ko. Mabilis kong tinanggal ang earphone na nasa aking tenga.

"Sumama ka samin!" Sambit ng lalaking bumaba sa motor, naglabas siya ng isang patalim. Mabilis akong ginapangan ng kaba. Umiling ako habang patuloy sa pag-atras.


"T-Tulong!!" Mabilis kong sigaw. Akma niya akong hihilahin ngunit bago pa niya gawin yun ay mayroon nang humila sa akin mula sa likuran.

"Jassy!" Rinig kong tawag niya sa akin. Mabilis niya akong hinila papunta sa kanya. Tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib at nabitawan ko ang bag ko sa kalsada.


Narinig kong dali-daling umalis ang dalawang lalaking naka riding in tandem. Mabilis ko namang naramdaman ang hapdi sa aking braso. Habol-habol ko ang hininga ko habang nasa bisig pa din ako ng lalaking nagligtas sa akin.

"Jassy, ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang braso ko.


What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon