Dare You To Move: Introduction & Cast

8.4K 95 20
                                    

DARE YOU TO MOVE

"Have you ever loved and lost somebody" gaya ng kantang 'to, hindi lahat ng story may happy ending. Maaari ngang mahal mo siya ngayon pero baka bukas, kinabukasan, hindi na. Maaari ngang kasama mo siya ngayon, pero bukas, wala na siya sa tabi mo. What does love really mean at bakit lahat ng tao ay ito ang kahinaan?

Pa'no kung may tao kang gusto pero alam mong di kayo bagay dahil magkaiba kayo ng mundo? Common story, noh? Pero pa'no kung Childhood bestfriends kayo? Typical story pa rin diba? Eh pa'no naman kung parehas nyong gusto ang isa't isa pero walang aminan, puro naman selosan. Di kaya, masira ang iniingatan nyong friendship? Bakit nga ba ang hirap ma-in love sa isang bestfriend?

Pa'no naman kung na-meet ni Mr. Yabang si Ms. Mataray? Asaran, kulitan at in the end, mafo-fall ang isa sa kanila. At nang magka-ilangan at magkalabuan ay malalaman nilang naka-arranged marriage pala sila. May possibility bang magustuhan din siya nung isa?

Pero pa'no kung si Mr. Yabang at Mr. Childhood Bestfriend ay magkaibang tao. At parehas silang mahalaga kay Ms. Mataray. Sino kaya ang pipiliin niya - ang taong inaasahan niyang mamahalin siya o ang taong nararapat ay mahalin niya?

In this story, you will realize how important personal confession and commitment are in a relationship. Minsan kasi, hindi talaga manhid ang ibang tao, gusto lang nila na aminin o sabihin mo ng diretso para hindi siya natatakot mag-assume. This story will revolve around Carlo, Jiselle and Kenneth and let's see how far will they go to obtain true happiness.

CAST

Kristofer Martin as Carlo Ramirez

Tahimik at masipag na bestfriend nina Darren at Jiselle. Dahil mahirap at tanging ina lang ang katuwang sa buhay, nagsisipag siya sa pag-aaral at tumutulong sa negosyo. May pagka-arogante at ma-pride pero sikat sa school dahil matalino, gwapo at ace player pa ng basketball team. Mahalaga sa kanya ang ina at 2 kaibigan. Pero paano kapag more than friends na ang nararamdaman niya para kay Jiselle?

Joyce Ching as Jiselle Anne Chua

Kababata siya nina Carlo at Darren. Mayaman, medyo spoiled pero dahil hiwalay ang mga magulang, malunkot siya at tanging barkada at mga kasambahay lang ang nalalapitan. Matagal na niyang gusto si Carlo pero nang malaman ito ng huli, unti-unti silang magkakalayo. Makikilala niya ang pinaka-aasaran niyang tao sa mundo - si Ken. Aso't pusa silang dalawa pero ito ang naging karamay niya. Mahulog kaya siya rito?

Ken Chan as Kenneth Dave Go

Mayaman si Ken pero sobrang yabang at rebelde. Transferee siya sa school na pinapasukan nina Carlo at magiging kaklase niya si Jiselle. Sa simula pa lang ay inggit na inggit na siya sa kasikatan ni Carlo kaya lagi silang nag-aaway ni Jiselle. Unti-unting magkakagusto siya rito at dahil ayaw niyang malaman ito ni Jiselle ay nagpaparamdam lamang siya ng palihim.

Lexi Fernandez as Lianne Marie Santiago

Junior high school at kaklase nina Jiselle at Ken. Karibal niya sa halos lahat ng bagay si Jiselle, gayunpaman, mabait siya. Tanging si Jiselle lang ang ayaw sa kanya. Matino si Lianne, may breeding pero kapag kaharap niya si Carlo na crush na crush niya, ay nag-iiba siya ng anyo. Sa pagpapatulong niya kay Darren, hindi niya mapapansing nahuhulog na rin siya rito.

Derrick Monasterio as Darren Ledesma

Guwapo at matangkad na bestfriend nina Carlo at Jiselle. Senior student din siya at kaklase ni Carlo. Tanging siya lang ang may alam na gusto ni Jiselle si Carlo at may kutob din siya na may gusto ang huli kay Jiselle. Patay na patay siya kay Lianne, na leader naman ng CFC (Carlo's Fans Club) at dahil dito ay makakaramdam siya ng pagka-inggit sa matalik niya kaibigan. Manaig kaya ang kanilang pagkakaibigan?

Dare You To Move (Krisjoy)Место, где живут истории. Откройте их для себя