Chapter 31 Night Party

15.7K 323 6
                                    


31: Night Party

  «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»  



Naka-upo kami ngayon ni Kyla sa bench at sinasamahan niya ako. Nagpupulbos siya ngayon. Minsan nga gusto kong sabihin kay Kyla na wag na lang niya akong samahan. Ayaw naman niyang pumayag dahil wala raw akong kasama. Ayaw din naman daw niya akong isama sa kanila ni Aiden dahil panigurado daw na makikita ko sina Ingrid at Kiel.

Naiisp ko pa rin ang pagbabanta ni Heath sa akin kahapon. Wala akong sinabihan ng pagbabanta nilang dalawa ni Ivory. Natatakot ako lalo na para sa kaligtasan ni Kuya. Palagi kong tine-text si Kuya at tinatanong kung nasaan siya bawat oras. Hawak ko ang cellphone ko ngayon at hinihintay ang sagot niya.


"Bii ayos lang ba? Maputi?" Tanong sakin ni Kyla na nagpupulbos. Umiling ako sa kanya.

"Hi!" Napatingala kami ni Kyla sa bumati samin.


"Marlisa?" Sabay naming bati ni Kyla. Anong ginagawa niya dito? Kakalbuhin ba niya ako o si Kyla? Tumayo kaming dalawa pero biglang pumunta sa harap ko si Kyla.

"Sasaktan mo ba si Jassy? Ako muna ang makakalaban mo!" Kaagad na sambit ni Kyla, hinawakan ko ang braso niya.


"Hindi, ano ba!" Tumawa siya ng bahagya tsaka umiling sa amin.

"I just want to invite you in my birthday party tonight, sa club namin." Sambit niya sa amin. Nanlaki ang mga mata namin parehas ni Kyla.


"Kami?" Sabay na tanong namin ni Kyla.

"Yap. Sige, mauna na ako. Aasahan ko kayo doon ah." Nagmamadali siyang naglakad at nakita naming hinihintay na pala siya ng tatlo niyang pinsan, na abala naman sa mga cellphone nila.


"Bakit kaya niya tayo inimbita?" Nagtatakang tanong ni Kyla. Umupo ulit kami sa bench.

"Pupunta ka?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya sa akin.


"And sasamahan mo ako." Sambit nya tsaka hinawakan ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong umiling.

"C'mon! Samahan mo na ako." Pagpilit niya sa akin. "Pleaseee?"


Tiningnan ko lang siya, nag puppy eyes pa siya sa akin. Natawa naman ako tsaka tumango sa kanya. "Okay, okay. Magpapaalam muna ako."

"Yey!" Mabilis akong yinakap ni Kyla.


...

"Yan! Bagay sayo!!" Sambit ni Kyla. Hiniram ko ang dress niyang kulay maroon na may manggas at fitted na hanggang tuhod ang haba. Inayusan din niya ang buhok ko at linagyan ng kaunting makeup.


"Maganda ba ang damit ko, bii?" Tanong ni Kyla sakin, tumango naman ako sa kanya. Naka fitted sleeveless dress siya. Ang Ganda talaga niya! Kitang-kita mo ang kurba ng katawan niya.

"Hindi," Biro ko sa kanya. Mabilis na lumungkot ang mukha niya. "Hindi maganda, kasi magandang-maganda!"


"Ikaw talaga." Ngumiti siya sa sinabi ko. "Tara na, baka malate tayo!"

Sumakay ako sa kotse nila. Ipapahatid niya kami sa driver nila. Sa bahay kasi nila ako nagbihis, pero bago yun ay nagpaalam muna ako kina Mama, Papa at Kuya. Si Kuya hindi daw pupunta dahil tinatamad at may gagawin pa daw siya. Alam niyo bang nangiyak muna ako sa harap ni Kuya para lang payagan niya. Non-strict Kuyas? I can't relate psh.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon