Chapter 5 ♥ Meet Raven

Mulai dari awal
                                    

 

"Nakakatuwa kayong panooring magkapatid." Sabi ni Papa.

Ngumiti lang ako saka kumain na. Tahimik na kami. May mga ibabalita daw sa'kin si Raven. Ano kaya yun. Hm.

--

Andito kami sa may garden. Kahit gabi na, maliwanag naman dito dahil madaming ilaw.

"So how's your life here in the Philippines?" Tanong ni Raven.

Nakaupo kami sa bench dito sa garden. "Okay naman. Masaya din dahil may mga friends naman ako."

 

"Bakit maga mata mo? Umiyak ka ba?"

 

O_O

Kukumustahin ako tapos ie-entra yung pagiging maga ng mata ko? Jeez. "Ah, sinugod kasi sa ospital yung kaibigan ko kanina.." Sabi ko. Totoo naman eh.

"I see. May boyfriend ka na ba?"

O_O

*cough cough*

"Oh okay kalang?" Muling tanong nya.

Napaka-straighforward kasi. "W-Wala. Wala akong boyfriend." Pero may mahal na'ko..

"Dapat lang. Magtapos ka muna little girl. Bawal ka pang mag-boyfriend. Mas makakabuting mag-boyfriend ka nalang 'pag naka-graduate ka na."

O_O

Seriously!?

 

"Manliligaw meron ka?"

"A-Ah, wala din Raven." Bigla naman akong kinabahan sa kapatid kong 'to.

"Good. Kung may manliligaw sa'yo, kelangang ipakilala mo sa'kin." Sabi nya na ikina-nganga ko.

Secretly Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang