Chapter 28 Threat

Start from the beginning
                                    

Aalis na sana ako para tumakbo kahit na nanghihina ang mga tuhod ko nang biglang may humarang sa aking daanan.


"There you are Bitch." Mataray at nakangisi niyang sambit habang nakahalukipkip sa harapan ko.

Nakita ko si Madaline sa aking harapan habang nasa likuran naman niya ang pinsan niyang si Margot.


"A-Alis na ako." Nauutal kong sambit sa kanila at sinubukan kong umalis pero biglang hinawakan ni Madaline ang buhok ko. Kaagad kong ininda ang sakit ng pagkakahawak niya.

"Queen! Look at this bitch!" Sigaw ni Madaline. Binuksan naman ng napakalaki ni Margot ang pintuan tsaka ko hinila papasok ni Madaline.


Kaagad na napalingon si Ivory sa amin at tila ba'y napatigil siya sa pakikipag-usap sa cellphone niya. Mabilis na dumapo sa akin ang mga tingin niya.

"I'll just call you later, babe." Sambit nito sabay baba ng cellphone niya sa lamesa.


"This bitch is listening. Kanina pa siya nandyan nakasilip sayo. Huh! Buti na lang at nakita namin siya ni Margot." Kwento ni Madaline kay Ivory tsaka ako tinulak paharap.

Mabilis na tumama ang tuhod ko sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Nagsimula na akong kabahan. Narinig ko ang pagtunog ng takong ni Ivory. Nanatili akong nakayuko.


"Ang munting kapatid ni Joshua, chismosa na. Ganyan ba ang turo ni Joshua sayo?" Mataray na tanong ni Ivory sa akin tsaka marahas na hinawakan ang magkabilang pisngi ko upang i-angat niya ang aking ulo.

"H-Hindi ko naman sinasadyang marinig ka-" Paliwanag ko sa kanya pero hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.


"Aww! I don't need your explanation, sweety." Maamong sambit niya sakin habang hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"N-Nasaan si Kuya? Nasayo ba siya? Anong ginawa niyo sa kanya?!" Mariing tanong ko sa kanya. Lumayo siya sakin at umupo ulit. Ang sakit ng dibdib ko.


"Teka lang, sweety. Ang dami mong tanong. Iisa lang ang bibig ko." Pagtataray niya sakin tsaka ako inirapan. Kinuha niya ang isang wineglass sa katabi niyang lamesa tsaka ito sinalinan.

"Unang-una, nasa malayong lugar ang Kuya mo. Let's say na nasa bodega siya. Pangalawa, oo nasakin ang munti mong Kuya. At Pangatlo, wala ka nang pakialam kung anong gagawin ko sa Kuya mo!! Deserve lang niya yun." Sagot niya habang masama ang tingin niya sakin tsaka uminom sa wineglass na nasa kamay niya.


"Anong nangyayari?" Biglang may nagtatatakbo at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan kami. Nakita namin sina Maddison at Marlisa. Nagtataka si Maddison pero nang makita niya ako ay bigla siyang ngumisi ng napakalawak.

"Oh! Hi, Bitch!" Sarkastikong bati niya at lumapit siya sakin.


"Queen, lulumpuhin na ba natin 'tong babaeng 'to?" Tanong ni Maddison kay Ivory.

"No." Sambit niya. "Not yet. This is not the right place and time." Pagtataray ni Ivory. Nagpatuloy lang ang kabang nararamdaman ko.


"C'mon! Hayaan mo naman akong tuluyang makaganti dito sa babaeng 'to." Pagpilit ni Maddison tsaka masamang tumingin sa akin.

"Yeah, right. Kakalbuhin lang namin siya. Queen." Sunod namang nagsalita si Margot. Nagtawanan silang tatlong magpinsan samantalang si Marlisa ay tahimik lang at may pinagkaka-abalahan.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)On viuen les histories. Descobreix ara