Chapter 24 I'm Stuck with him

Start from the beginning
                                    

"Sayang pogi pa naman yung lalaki."

"Oo nga eh. Pero mukhang taken na."


"Tayo na dyan." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kiel na nakatayo sa harapan ko habang nakalahad ang kamay sa akin. Napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan at nakatingin kay Kiel. Napansin ni Kiel ang pagtingin ko sa kanila kaya siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at tinayo ako.

Para akong kinuryente nang magkahawak ang kamay naming dalawa. Napatingin ako sa kanyang mga mata habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.


"Don't mind them." Mahina niyang sambit sa akin. Hindi naman ako kaagad nakasagot.

"B-Bakit mo ginawa yun?" Nauutal kong tanong sa kanya. Ngumisi siya sa akin.


"Bakit? Gusto mo ng round 2?" Bulong niya sa akin.

"Hoy!" Tinulak ko siya palayo. "Feeling ka masyado ah! Manyak!!"


"Pakipot pa!" Ngisi niyang asar sa akin.

"Atleast hindi takot sa aso." Asar ko sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa. Kiel Salazar? Duwag sa aso?


"Asong tumatakbo lang." Depensa niya.

"Takot pa din sa aso." Pang-aasar ko sa kanya. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang natatawa.


"Aba! Lagot ka sakin." Bigla niya akong hinila papunta sa kanya kaya nagulat ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa, nakita kong hindi niya inaalis sa mga labi ko ang mga mata niya.

Kaagad na kumabog ng husto ang puso ko. Hindi pwede, Jassy! Hindi mo pwede ibigay nanaman dyan sa F-Boy na yan ang mga l-labi mo.


"Sinong takot ngayon?" Mahina pero may pang-aasar niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Waahhhh!" Tinulak ko siya. Kumuha ako ng napakadaming lakas, nang hiram pa nga ako kay Superman ng lakas para matulak lang siya.


"Shh! Ang ingay neto! Dito nga tayo." Sambit niya tsaka hinawakan ang kamay ko papunta sa upuan ng park.

"Hoy yung kamay ko!" Paalala ko sa kanya nang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Napatingin kami sa magkahawak naming kamay.


"Oh ayan!" Bigla niyang binato ang kamay ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ibato ba naman ang kamay ko? Eh siya 'tong humawak sa akin.

"Parang hindi naman tayo nagho-holding hands." Rinig kong sambit niya sa sarili niya. Kaagad akong napalingon sa kanya.


"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala! Sabi ko bakit ka ba nandito, panget?" Sagot niya sa akin.


"Eh sa namamasyal ako eh." Ginaya ko ang sinabi niya sakin kanina nung nagtanong ako.

"Tss. Gaya-gaya." Rinig kong sumbat niya sa akin. Naaasar nanaman siya sa akin.


"Sinong kasama mo mamasyal?" Tanong niya sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito, seryoso na ang mukha niya.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now