Chapter 22 Aminan Time!!

Magsimula sa umpisa
                                    


Mas madaming likido ang bumaba sa mga mata ko. Sakit ang nararamdaman ko. Mismong Kuya mo, sinabihan ka ng hindi magandang salita. Mas ayos pa palang tawagin ako nila Maddison na malandi kaysa sa sarili kong Kuya, na sarili kong kapatid.



"Totoo naman, Mama eh! Kitang-kita ng dalawa kong mata!" Sagot ni Kuya kay mama. Napapikit ako. Hindi ko na kaya!


"Bakit kuya? Alam mo ba ang dahilan? Alam mo ba para husgahan ako ng ganun-ganun na lang?" Tumingin ako sa kanya kahit na puno ng luha ang aking mga mata. 



"Kuya, tinulungan lang niya ako. Nagmamagandang loob lang siya sakin. At kaya kami nagkikita ay dahil nagpapatulong siya sakin para magkabalikan sila ni Ingrid. Alam ko mahirap paniwalaan pero yun ang totoo! "Paliwanag ko kay kuya. Hinimas ni Mama ang likod ko. 


"Sana naman paniwalaan mo ko..." Nakayuko kong sambit habang nalalaglag ang mga luha ko sa sahig. "Kasi may tiwala ako sayo, Kuya. Pero bakit parang wala kang tiwala sa akin?" 



Inangat ko ang ulo, sinubukan kong tingnan si Kuya kahit na nanlalabo na ang mga paningin ko. Pinunasan ko ang aking pisngi tsaka suminghap.


"Patawarin mo ako Kuya sa pagsuway ko sayo. Patawarin mo din ako sa pagsagot sayo. Hindi ko sinasadya." Sambit ko tsaka ako umakyat sa kwarto ko, linock ko ang pintuan. Humiga ako sa kama ko. Hindi na ako gagawa ng assignments, bahala na.



Iniyak ko lahat. Lahat ng sakit. Ang sakit na malaman na walang tiwala sayo ang isang taong pinagkakatiwalaan mo. Wala naman akong nakikitang masama sa pag-uusap namin ni Kiel. Isa lang yung Deal kaya kami nagkikita at nag-uusap. At pag nagkabalikan sila. Hindi na ulit kami magkikibuan.


"Princess?" May nagsalita sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Si Papa 'to." 



"Papa, hayaan mo muna ako. Gusto ko lang mapag-isa." Hiling ko kay Papa.

"Anak, kailangan mong maintindihan ang sitwasyon. Nandito si Papa." Sagot niya sa akin.



"Alam ko, anak. Kailangan mo ko." Hindi ko maiwasang maiyak. Tama si papa. Kailangan ko nga siya ngayon. 

Tumayo ako sa kama ko at dali-dali kong pinagbuksan si Papa. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.  Pareho kami ni papa na naka-upo sa kama ko.



"Princess?" Yinakap ako ni papa. "Anak, kumain ka na ba?" Napalayo ako kay papa.


"Papa naman eh! Akala ko seryoso na." Pagmamaktol ko kay Papa. Natawa naman kami pareho.



"Ito namang princess ko." Inabot ako ni Papa para mayakap niya ako ulit. "Syempre gusto ko lang muna magrelax. Masyadong intense yung mga nangyari kanina eh." 

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon