Chapter 22 Aminan Time!!

15.7K 307 9
                                    


22: Aminan Time!!

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"KUYA?" 

Hindi mawari ang gulat na aking nararamdaman. Dali-daling naglakad si Kuya papunta sakin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa amin.



"Jassy, anong sabi ko sayo?" Hinila ako ni Kuya papunta sa tabi niya.

"Diba ang sabi ko sayo, lumayo ka kay Kiel?!" Dugtong niya. Ang higpit ng hawak ni Kuya sa braso ko. Parang kahit anong oras babaliin niya 'to.



"Kuya! Nasasak-" Inda ko sa aking brasong mahigpit na hawak ni Kuya Joshua. Nangingilid na rin ang mga luha ko.


"Ah sasagot ka pa!" Mas hinigpitan ni Kuya ang paghawak niya sa braso ko. 



"Umuwi na tayo!!" Sigaw niya habang kinaladkad niya ako papunta sa kotse. May mga luhang bumababa galing sa mga mata ko pababa ng aking pisngi. Sinubukan kong lumingon, nabigo lamang ako nang hindi ko nakita si Kiel.


Nang makarating kami sa kotse ni Kuya, pinapasok niya ako. Doon niya ako pina-upo sa likurang upuan ng kotse niya. Patuloy pa rin sa pagbaba ang mga maiinit na likido mula sa mata ko. Linagay ko ang mga tuhod ko sa aking mukha.Samantalang sinimulan na ni Kuyang paandarin ang kotse niya. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Hindi ko maintindihan si Kuya? Ano bang mali sa pagsama ko Kiel? May ginagawa ba kaming mali?



"Bumaba ka na..." Medyo malumanay na utos sakin ni Kuya. Hindi ko namalayang nasa bahay na pala kami. Pumasok agad ako at nakita ko si Mama. Nang makita ako ni Mama na umiiyak ay bigla siyang napatayo sa sofa.


"Oh? Anong nangyari sa kapatid mo, Joshua?" Nag-aalalang tanong ni Mama kay kuya.



"Paano naman kasi Mama! Sinabihan ko na yang batang yan na lumayo kay Kiel!!" Paliwanag ni Kuya.


"Si Kiel? Salazar?" Tanong ni Mama kay Kuya. 



"Opo, Mama!" Sagot ni Kuya. Tumingin siya sakin. Naaaninag ko siya kahit papaano. 


"Hindi ba't sabi ko sayo layuan mo si Kiel? Alam mo naman kung anong klase siyang lalaki diba? Tapos makikita kita kanina na kasama siya?!" Sigaw ni Kuya. Kusa nanamang tumulo ang mga luha ko.



"At naglalandian pa kayo?!" Parang saksak sa puso ang huling sinabi ni Kuya.


"Joshua! Ang pananalita mo!" Saway sa kanya ni Mama. Parang dinudurog ang puso ko. Unti-unting gumuguho ang mundo ko. 



"At naglalandian pa kayo?!"  

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon