Chapter 20 Comfort

Start from the beginning
                                    

"Ahh ganun ba. Salamat sa pagtulong." Kaswal na sambit ni Kiel kay Drake.


"Wala yun, bro. Basta para kay Brianna." Sagot ni Drake tsaka lumingon kay Brianna. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanila.

"How about you two?" Tanong ni Brianna sa amin. Napalingon lang ako kay Kiel.


"Uhm..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Sinamahan ko lang si Jassy. May kinuha lang siya." Si Kiel ang sumagot sa tanong ni Ate Brianna. Tumango siya tsaka ngumiti sa amin.


"Ganun ba, that's great!" Sambit niya tsaka ngumiti sa akin ng makahulugan. Kumunot naman ang noo ko.

"Hinahanap ka ni Kuya Joshua kanina, nagka-usap na ba kayo?" Tanong ni Drake sa akin. Nagulat ako nang tanungin niya ako. Napalingon ako sa kanya.


"Huh? Y-Yes, nagka-usap na kami ni Kuya." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Drake.

"Tumawag na si Kuya Joshua sa kanya. Ako na rin ang maghahatid sa kanya pauwi." Sambit ni Kiel. Kaagad akong napalingon sa kanya. Sinulyapan lang niya ako bago nagsalita muli.


"Sige, mauna na kami. Mag-ingat kayo." Sambit niya tsaka hinawakan ang kamay ko sa harapan nina Brianna at Drake. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Kiel. Para akong kinuryente nang hawakan niya ito.

Nakita ko naman ang mga mata nina Brianna at Drake sa kamay namin ni Kiel na magkahawak. Tumango sila sa amin.


"Oh sige, ingat din kayo. Bye, Jassy!" Sambit ni Brianna tsaka ngumiti sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Ingatan mo si Jassy, Kiel." Sambit ni Drake. Lumingon si Kiel sa kanya.


"Iingatan ko naman talaga si Jassy. Wag kang mag-alala." Sagot ni Kiel tsaka ako hinila palayo. Naglakad kaming dalawa habang hawa-hawak ni Kiel ang kamay ko.

Hindi ko na nagawang lingunin sina Brianna at Drake dahil masyado akong napukaw ng kamay namin ni Kiel na magkahawak. Naglakad kami papunta sa parking lot. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Kiel. Tahimik lang akong umupo sa passenger's seat habang nakatingin sa bintana.


Nabalot kami ng katahimikan ni Kiel nang makapasok siya sa sasakyan niya. Binasag niya ang katahimikan.

"That's the reason why I said that." Sambit ni Kiel dahilan para mapayuko ako habang pinipigilan ang sarili ko.


"A-Alin don?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Na wag mo ng gustuhin si Drake." Sagot ni Kiel sa akin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha kong nangingilid.


"Sabihin mo sakin Kiel..." Panimula ko, huminga ako ng malalim.

"Anong namamagitan kina Brianna at Drake?" Matapang kong tanong sa kanya. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko, pero gusto ko pa rin marinig mula sa kanya ang sagot.


Kung ano ang sinasabi ng utak ko, iyun naman ang hindi pinapaniwalaan ng puso ko. At kung ano naman ang sinasabi ng puso ko, siya namang di pagsang-ayon ng utak ko. Ang gulo nila. Sa gulo nila parang gusto ko na lang umiyak.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now