May malamyos na musika ang maririnig sa paligid. Nacurious tuloy ako kung anong itsura ng party.

Lumipas ang dalawang oras at para maglibang ay naglaro kami ng bato-bato pik nina Piolo at Johnny. Hindi din naman mainit dahil malamig at naka-aircon ang buong hall.

Napapailing na lang si Ms. Mariella sa pagkaisip bata namin pero hinayaan nya na lang kami. Nakatulong din naman dahil nawala ng kaunti ang kaba ko.

Maya-maya ay nakarinig na kami ng palakpakan. Narinig kong inintroduce na ng host si tatay at ang palakpakan ng mga tao. Sumilip ako mula sa kurtina at nakita ko si tatay na nagsasalita na.

"First of all, I would like to thank everyone who are gathered here today to celebrate with the 20th Anniversary of this Empire. Especially our dear employees, who have worked hard and my fellow businessmen who gave their trust to our company. We will not be able to last for twenty years without your help and hard work, and I hope we will still be at the top for the coming years."

Lahat ay pansin kong tahimik at nakikinig. Karamihan ay may mga ngiti sa kanilang mga labi at ang ilan naman ay tumatango-tango bilang pagsangayon.

Iyon ang maganda sa pamamalakad ni tatay, hindi lang sya magaling na negosyante pero pinapahalagahan nya din ang kanyang mga empleyado.

"But my happiness isn't only about the   achievement of our empire but also because I have found my treasure after searching for a long time, my daughter."

Lahat ng tao sa hall ay napasinghap, hindi na ako nagulat dahil naikwento na sa akin ni tatay na hindi alam ng mga tao na may anak sya. They thought na tumanda syang binata.

Nakita kong natawa si tatay at tumango-tango na parang naiinitindihan ang mga naging reaksyon ng mga tao. Ang ilan sa mga ito ay mga nagbubulungan pa.

"Yes,yes. I know all of you are shocked. But I am a father too. I also have a family, I lost them and after so many years, my happiness can not be explained by words when I found them. When I found her."

Medyo nangilid ang luha ko ng marinig ko iyon, damang-dama ko kasi ang speech ni tatay.

Kahit nakakadugo ng ilong ang english nya ay hindi ko mapigilan matouch.

"Huwag kang iiyak dear, sayang ang make-up." Paalala ni Ms. Mariella kaya natatawa kong inabot ang tissue na binigay nya.

"Everyone, I would like to introduce to you my one and only daughter. Kailee Amia Park."

Inilahad ni tatay ang kamay nya sa direksyong lalabasan ko. Huminga muna ako ng malalim at itinulak ako ng bahagya ni Ms. Mariella papalabas mula sa kurtinang pinagtataguan ko.

There's a spot light on me.

Doon ako dahan-dahang lumabas. Every eyes was on me, hindi ko malaman kung natutuwa ba sila o ano. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba pero pilit kong itinatago.

They shouldn't see me weak and easy to break. Because starting from now ay siguradong titignan na nila ang magiging kilos ko.

My father told me that some will try to use me against him, some might think I'll be easy to manipulate and so on. Kaya hindi dapat ako maging mahina.

Dahil doon ay inalala ko ang mga itinuro sa akin ni Ms. Molly. I stood up, chin up and walked elegantly towards my father.

Nang makalapit ako kay tatay ay doon ko narinig ang palakpakan nila. Siguro'y napansin na nila ang pagkakahawig naming mag-ama ngayong magkalapit kami.

Agad na lumapit sa may ibaba ng stage ang ilang media men na invited sa loob at kinuhanan kaming mag-ama. Umakyat din ang board members pati na rin ang mga businessmen na kasosyo at nabibilang sa empire ni tatay at pincituran kami na kasama ako.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now