Mabuti na lang talaga at laging naka-alalay si Aidan sa school dahil madalas akong matilapid. Pero ngayon ay maalam na ako at medyo sanay na. Masakit nga lang sa paa.

"You're beautiful dear! Let's go?" Tanong sa akin ni Ms. Molly at wala na akong nagawa kundi tumango at nagpasalamat kay Ms. Mariella.

Iniabot sa akin ni Ella ang purse ko na ang tanging laman ay wallet at cellphone saka kami lumabas sa grooming room.

Nang makarating kami sa second floor ay nandoon na si tatay nag-aabang sa dulo ng staircase. Nang makita nya ako ay agad syang napangiti na sinuklian ko din naman.

"You are beautiful anak." Sabi nya ng makababa ako.

"Gwapo nyo din tay." Sagot ko na ikinatawa nya.

"Let's go? Tayo na lang ang hinihintay doon." Sabi nya at huminga muna ako ng malalim bago tumango.

Pinagbuksan kami ng pinto ng  sasakyan nina Piolo at Johnny. Si Mang Bert ang driver na maingat na pinaandar ang sasakyan papunta sa Park Hotel.

Tahimik lang naman kami sa byahe, tulad ng napagusapan ay mauunang bumaba si tatay at ako ay ibababa ni Mang Bert sa back entrance dahil bago ako ipakilala ni tatay ay kailangan nya munang magbigay ng kaunting speech.

I know, pang grand entrance ang datingan pero iyon ang gusto ng organizer na walang iba kundi si Ms. Mariella din kaya wala na akong nagawa. Nakaabang sya sa akin doon para i-guide ako papunta sa event room ng hotel.

Napansin kong huminto na ang sasakyan sa tapat ng hotel at halos mamutla ako ng makita ang napakaraming media men na nag-aabang. Tinted ang sasakyan kaya hindi nila kami nakikita, pero dito pa lang ay kita ko na kung paano nila birahan ng tanong ang mga dumadating na sikat na businessmen at mga sikat na personalidad na imbitado din sa party.

Napansin naman iyon ni tatay kaya hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag kang mag-alala anak, alam ko ang nararamdaman mo, pero kalaunan ay masasanay ka rin. May mga tao talaga na magiging interesado sa buhay mo matapos ng gabing ito pero huwag kang mag-alala dahil kasama mo ako. Kasama mo na si tatay ngayon. Okay?" Sabi nya sa akin at dahil sa kaba ay tumango na lang ako.

Alam ko naman iyon, sa lumipas na mga buwan ay pinaramdam ng mga nasa mansyon na hindi na ako nag-iisa. Kasama ko na si tatay, at maaaring makilala nga ako ng lahat, pwedeng macurious sila at panghimasukan ang buhay ko pero alam kong may kasama na ako.

May poprotekta na sa akin dahil hindi na ako nag-iisa.

Hinalikan ako sa noo ni tatay saka sya lumabas na ng kotse.

Agad namang isinarado nina Piolo mula sa labas ang pintuan ng kotse at pinaandar na ni Mang Bert ang sasakyan papunta sa likod ng hotel.

Nang makarating doon ay nagpasalamat ako kay Mang Bert at nag-aja sign naman sya sa akin na ikinangiti ko.

Bumaba ako't agad sinalubong nina Piolo at Johnny, tumabi sila sa akin at inescort ako papasok sa hotel kung saan nandoon agad at nagaabang si Ms. Mariella.

"Kaya nyo yan ma'am." Bulong ni Piolo sa kanan ko.

"Oo nga po, huwag na kayong kabahan, nasa tabi nyo lang kami." Dagdag pa ni Johnny sa kaliwa ko.

Napangiti naman ako sa dalawa, ang supportive eh.

"Salamat." Bulong ko din pabalik at nagfocus na sa tinatahak naming hallway.

"This way dear." Sabi ni Ms. Mariella habang nakalahad ang kamay sa isang pintuan.

Binuksan nya iyon at doon bumungad ang likod ng stage ng event hall ng hotel. Tingin ko ay ito ang stage dahil natataningan ng makapal na kutina ang harapan. Mula sa gilid ay tanaw ko ang liwanag na nagmumula sa mismong event hall.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now