Pupunta ba ko?

"Ah.. Xander?" Lumingon naman siya agad sakin. "Ah. Wala pala. Salamat sa pagsauli ng ID ko" tanging tango lang ang nakuha ko sakanya saka pumasok sa loob ng sasakyan.

Tinignan kong maigi ang kulay red na envelope na hawak ko.

"Join us for a Magical Night"

Masquerade party ang magaganap. Sa darating na sabado na ito gaganapin. Wala naman akong balak dahil hindi naman ako maganda. Hays

Pumasok na ko sa loob ng bahay. Nakahanda naman na yung pagkain sa mesa.

Umupo naman ako kaharap ni mama.

"Gusto mong sumali anak?" Napatingin naman ako bigla kay mama. Aish. Bakit di mo tinago Serina. Nawala tuloy sa alaala kong nakapatong lang pala sa mesa ang invitation na binigay sakin ni Xander.

"Ah. Hindi po mama, mga mayayaman lang po ang makakapunta dyan panigurado. Tsaka hindi ako nababagay sa mga ganyan" sabay ngiti kong mapait kay mama. Kinurot naman ako ni mama sa pisngi.

"Mama naman masakit" natawa naman si mama saka ko hinimas himas ang pisngi kong namula ata.

"Porket ba hindi tayo mayaman hindi kana pwedeng sumali. Noong highschool ka ay hindi ka nakasali sa prom niyo dahil wala pa akong trabaho. Anak ayokong ipagkait sayo ang masasayang pangyayari na pwedeng maganap sa buhay mo. Ano na lang ikukwento mo sa anak mo kapag lumaki na siya. Itong anak ko talaga"

Napangiti naman ako sa sinabi ni mama. Tsaka napatingin sa envelope sa gilid ko.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinggan ay agad akong umakyat sa taas. Ewan ko ba bakit hindi mawala sa isip ko ang envelope na ito. Anong kayang pakiramdam maging isang prinsesa kahit isang ilang oras lang. Anong pakiramdam maging maganda.

Nakahiga ako sa kama habang hawak hawak ko ang envelope na ito. Nakangiti ako habang nakatingin dito.

Gusto kong pumunta.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakangiti ako simula pa kagabi ilang araw pa naman yun pero napakaexcited ko na agad.

Linggo ngayon kaya pupunta kami sa simbahan ni Mama. Para magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay niya sa amin.

Naligo na ko. Pagkatapos ay naghanap ng komportableng damit. Nakapantalon at puting tshirt lang ako. Itinali ko naman ang buhok ko may bangs ako kaya siguro mas nagmumukha akong nerd sakanila isabay pa nitong salamin ko.

"Serina. Halika na at baka mahuli pa tayo sa misa" wika ni mama. Humarap naman ako sa salamin.

"Okay na to"

Papasok kami sa loob ng simbahan. Hindi pa naman naguumpisa ang misa at agad naman kaming nakahanap ng upuan malapit sa unahan.

"Hi, pwedeng umupo?" Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa nagsalita sa tabi ko. Napansin ko namang umupo na siya. "Parati kitang nakikita dito" sambit niya ulit kaya napatingin na ko sakanya. Nagulat naman ako dahil hindi ko alam na siya pala yun.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Magsisimba. Hindi naman pwedeng kumain dito so ayun" pinaningkitan ko naman siya ng mata. Ang pilosopo rin ng isang to.

"Travis ikaw pala yan kamusta kana? Hindi kana kasi dumadalaw sa bahay" wika ni mama. Ang laki naman ng ngiti ni Travis kay Mama. Dati ay inisip kong gusto niya ang mama ko dahil sa mga ngiti niya. Pero syempre itanggi niya naman. Maganda kaya ang mama ko. Kaya nga hindi ko alam kung kanino ako nagmana.

"Okay lang po ako. Kayo po ba? Pasensya na po busy lang sa school. Alam naman po ni Serina yun dahil kaklase ko siya sa isang subject" tumango tango lang ako para hindi na magtanong si mama sakanya. Masyado pa namang matanong iyong nanay ko.

Ilang minuto lang ay nagumpisa na ang misa. Napalingon naman ako ng konti kay Travis at halatang seryoso siya sa pakikinig. Infairness ang tangos ng ilong niya.

"Baka matunaw ako" Agad naman akong lumingon sa iba at narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

Nagumpisa ng kantahin ang Ama Namin.

"Sabi kailangan daw hawakan ang isat isa ang kamay habang kinakanta ito para mas lalong magtibay ang pagkakaibigan" alam kong gawa gawa lang niya ang sinasabi niya.

"Kanino mo naman nalaman yan?"

"Dun sa kaklase ko nung grade 3" kumunot naman ang noo ko.
"Biro lang. Haha" kinurot ko naman ng pino ang tagiliran niya napa aray naman siya ng walang tunog pero ramdam ko ang sakit nun.

Nagpigil naman ako ng tawa saka tumugtog na ang kanta. Nakahawak naman ako sa kamay ni Mama. Pero hindi kay Travis. Ano siya siniswerte.

Natapos ang kanta ang misa ng hindi na nangulit si Travis. Lumabas naman kaming tatlo sa simbahan.

"Travis bakit hindi mo kasama magsimba ang mga magulang mo?" Tanong ni mama.

"Ah. Busy po kasi sila sa trabaho" ngumiti naman ito ng pilit.

"Ganun ba, Siya nga pala Serina may aasikasuhin pa ako mauuna na lang akong umuwi. Travis ikaw na lang ang bahala sa batang ito" tumango tango naman si Travis at ang laki laki pa ng ngiti.

"Magiingat po kayo" wika naman ni Travis."Ang bait naman ng mama mo bakit ikaw hindi?"

"Gusto mo kurutin pa kita mga tatlo"

"Ayoko na po"

"Good, uuwi na ko"

"Agad agad? Oo nga pala may bago akong nakitang ice cream house malapit dito. Oo libre ko kaya wag kana tumanggi" hinila nama niya agad ako kahit hindi pa ko nakaka oo. Feeling close din ang isang to.

Nakarating naman kami agad sa tinutukoy niya. Wow. Sobrang daming ice cream. At mukhang masasarap pa sila lahat.

"Ang hilig mong mangtitig. Ice cream yan siguradong matutunaw yan" nilingon ko naman siya sinimangutan.

Naghanap naman ako ng mauupuan namin. At si Travis ay nakapila para bumili. Nakahanap naman ako ng upuan pero pangdalawahan lang. Hindi sana yon ang pipiliin ko dahil mukha kaming magdedate kung ganon. Pero dahil pagod na ko ay wala na kong nagawa.

"Mukhang mababankcrupt ako sayo" sinabi niya kasing libre. Kaya ang dami kong inorder. Bata pa kasi ako ng huli akong makakain ng ganito.

Umupo naman si Travis at kinuha ko na agad ang inorder niyang ice cream.

Sumandok ako agad ng isang kutsara. Kinain ko agad. Tsaka napatingin kay Travis na nakatingin din sakin.

"Ang sharap" hindi ko na mabanggit ng tama ang salita dahil may ice cream pa kong kinakain. Tumawa naman Travis.

"Sabi sayo eh magaling ako pumili" tumango tango lang ako tsaka nagpatuloy na sa pagkain.

Nagulat ako ng bigla niyang pinunasan ng panyo ang gilid ng labi ko. Tumigil naman ang mundo ng ilang segundo. Sa korean novela ko lang kasi nakikita ang mga gantong eksena. Kung saan kilig na kilig ako habang nanonood. Pero ngayon nangyari na sakin. Wala akong maramdaman kundi ang lakas ng pagpintig ng puso ko.

"Ang dugyot mo kumain. Sa susunod ay wag na tayo dito" binigay naman niya sakin yung panyo tsaka ako na nagpunas ng iba pang kalat sa labi ko.

"Wag mong ibalik yung panyo. Sayo na yan" nung nakaraan din ay may panyo siya saking binigay.

"Salamat"

Ang tangi kong nasabi. Bakit ganon ang puso ko kanina parang hindi normal.

Hays! Kakanood mo yan ng korean novela eh.

Hello, DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon