"Good morning, beautiful parents!" Bati ko sa magulang ko na ready na rin umalis. Lumapit ako at niyakap sila "Where's ate?"



"Kanina pa siya nakaalis," sagot ni mom. Napatingin siya sa necktie ko, at mukhang hindi na naman siya satisfied sa pagkakaayos ko. "Come here. Ayusin natin 'yang necktie mo."



"Mommy, okay na 'to."



"No. Hindi proper." She showed me how it's done. Alam ko naman talaga kung paano, tinatamad lang ako na itali pa ito sa paraang gusto niya. Inaayos ko naman ito kapag nasa byahe na. "I already told you to tie it like this."



"Aayusin ko rin po 'to mamaya," sabi ko pa pero hindi niya ako pinansin.



"Kailan ang bakasyon niyo, bunso?" Tanong ni dad na nakaharap sa gawi namin ni mom at nakahalukipkip pa.



"Tagal pa, dad. Baka around month of May. Bakit po?"



"Natanong ko lang para we can check our schedule too, and we can book early for our flight to Finland."



"I'll let you know as soon as they announce it, dad."



"Ang bilis ng panahon 'no?" Mom smiled at me and pinched my cheek. Napanguso ako. "Parang kailan lang ang baby mo pa at super iyakin, now..." she sighed, "you're growing up too fast, honey."



I chuckled, then I hugged her. "Aww, si mommy. Lunes na lunes? Hindi naman ako mawawala sa inyo."



"Your mom is right," sabi naman ni dad. Napatingin kami sa kanya. "Can you imagine? Parang kailan lang dalaga ka pa, ngayon...binata kana," walang anumang sabi niya na nakapagpawala sa ngiti ko. Natawa naman si mom.



"Panira ka talaga, dad!" Asik ko.



"Oh, biro lang. Lumabas kana roon. Kanina pa naghihintay sa labas ang kuya mo."



"Kumain ka pagdating mo sa school ah," paalala ni mom sa'kin after giving me a kiss on the cheek.


"Opo." Lumapit ako kay dad at niyakap siya. "Bye, dy."



"Mag-ingat kayo."



"Sige po. Bye, parents!" Paalam ko at saka patakbong lumabas. Nasa loob na ng kanyang sasakyan si kuya nang datnan ko kaya agad na akong sumakay. "Good morning, kuya!" bati ko sa kanya.



"Good morning," he looked at me. "Mukhang maganda ang gising natin ah."



"Lagi namang maganda ang gising ko, kuya." I put on my seatbelt. "Let's go?"



"Yup!"



Pinaandar na niya ang sasakyan at saka bumusina ng dalawang beses habang papaalis bilang paalam sa magulang namin. I pulled out my phone. Ate texted good morning and informed me na umalis siya ng maaga. Nagreply lang ako sa kanya at binalik na ulit sa bag ang phone ko.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now