Chapter 12

59.4K 1.6K 1.5K
                                    

CATCHING FEELINGS IN PALAWAN




SAMANTHA's•



"Good morning world, good morning Palawan, and good morning to you, Samantha Khail!"



Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing na tulog nang bigla na lamang akong nagising dahil sa malakas na boses ni Akaizha, kasunod ng malakas na pag-uga ng kama nang magsimula itong tumalon-talon daig pa ang nakalunok ng isang dosenang enervon. Ang aga-aga'y game na game na agad ito at ang taas na naman ng kanyang energy.



"Ais, stop..." I whined. She's really disturbing my beauty rest, huh? "What are you doing? Inaantok pa ako! Stop riling me up!"



"Riling–I'm waking you up, girl!" Tuluyan akong naalimpungatan nang daganan niya ako ng mabigat niyang katawan. She's really testing my patience. "It's time to get your ass up! Come on!"



"Akaizha, get off me! Do you even know how heavy you are?! Because I know!"



"I'm on a strict diet, Sam. But today is my cheat day, so yeah, I might gain a little fat later. Nevertheless, I'll crash you 'till you're up. Need mo nang bumangon dahil aalis na tayo!"



"Fine! Babangon na ako!" Pagsuko ko. I felt her body loosing up. Tuluyan siyang umalis sa ibabaw ko, nakangiting tagumpay. Gustuhin ko man matulog pa, bumangon na rin lamang ako. Makakatulog pa ba ako kung nandito ang babaeng 'to? Tch. Umupo ako at niyakap ang unan. "Teka lang...anong aalis? Saan pupunta?" Tanong ko sa ngayon lang nagsink-in na sinabi niya.



"You forgot?! Seriously, Sammy? How can you even be the President?" Napataas ako ng kilay sa narinig. Wow. Questionable ba talaga 'yon? "You have an activity with your team today, 'di ba? May scuba diving kayo. Buti pa ako naalala ko."



Scuba diving?!



"Ais, we're not going to do scuba! Ano namang gagawin namin sa ilalim ng dagat?!"


"You told me!" Biglang pagduro niya. Nakatayo pa rin siya sa ibabaw ng kama habang nasa bewang ang isang kamay. "If not scuba diving, anong gagawin niyo?"



"Tree planting."



"Ugh!" She groans. "Boring."



"It's an environmental activity, Ais."



Actually, Akaizha's right. I find it boring too. I've never done it before and I'm too lazy for activities like this. It's not for me lalo na't ayaw kong nadudumihan ako. Kaso hindi naman ako pwedeng mawala at hayaan lang sila. I need and I must lead my team. Kailangan nandun ako, gusto ko man o hindi ang mga gagawin.



"Whatever. Hindi nga kayo makapagtanim sa mga bahay niyo tapos dito magtatanim kayo? You guys are really funny, aren't–." She cut her own words upon meeting my cold gaze. Nakatutop ang bibig siyang bumaba ng kama. "Akaizha, you should know when to shut up," mahinang usal niya pa.



Yeah, you should.



"Gusto mo bang mauna nang bumalik sa Manila?" pagtataray ko.



"Khail, tree planting means saving trees. Seriously, who got this idea? It's brilliant! It's amazing!" Napailing na lamang ako. Gusto niya talagang sirain ang araw ko, ano? Sa halip na sumagot, tumayo na ako't nagsimula nang magligpit ng higaan. Umupo siya sa edge ng bed. "Medyo disappointed ako na hindi pala scuba ang gagawin niyo pero okay lang, sasama pa rin ako bilang iyong kaibigan na supportive."



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon