Chapter 18

54.6K 1.5K 653
                                    

LOVE HER, LOVE HER NOT



GWEN CHLOE's•



"Saturn to Skylie! Mars to Skylie!" Pumalakpak ako ng malakas sa harapan ng tulalang si ulap; at gulat naman siyang napakurap. "Oh, ano? Shock 'yan?"


"Gwen!" She hissed. Natatawa akong umatras nang ambaan niya ako ng libro. "Pwede ba! Paano kung may sakit ako sa puso?! Ang hihilig niyong manggulat!"



"Sowi na. Chulalo ka kasi eh."



"Anong chulalo?!" Salubong na naman ang dalawang kilay niya.



"Tulaley. Tulala." I answered, but she just grimaced in distaste. "Kanina ka pa lutang. Concern lang ako na baka hindi na ikaw 'yan." Lumapit ako at dahan-dahang kinuha ang aklat na nasa kamay niya. Mahirap na baka hambalusin ako. "Kanina pa kami nandito. Buti pa ang multo na nasa third floor C.R. nararamdaman namin, ikaw hindi." I pulled over a chair in front of her and straddled it. "Okay ka lang ba? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ko. "Personal problem? Financial? Emotional? Physical? Sakit sa kasu-kasuan?" Sunod-sunod na tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot. She just heaved a sigh, then shook her head. Tumingin siya sa labas ng bintana kaya napatingin din ako roon. Anong meron sa labas? "Anong inaabangan mo, bird o airplane? It's a bird, it's a plane, no, it's only me~" at dahil fast thinker ang inyong lingkod, sintunado ma'y kumanta ako with matching drumming sa upuan. "Remember M, remember E, remember me, ey! Totoy Bibo..."



Natawa siya ng mahina sabay hampas sa'kin, "Umalis ka nga ritooo!" She grumbled like a kid. "Ako na naman ang ginugulo mo. Nananahimik nga ako eh!"



"Ulap, concern citizen lang ako. I swear, hindi talaga ikaw 'yan. Ang tahimik mo." Tahimik na tao naman talaga si ulap. Kahit magkakasama kaming tatlo, hindi siya kasing daldal namin ni Rob. Makwento pero hindi madaldal. "Tahimik ka naman talaga pero hindi ganito. Kapansin-pansin na may pasan-pasan kang...suliranin...sa iyong balikat...?" Hindi ako sigurado. Kunot ang noo siyang napatingin sa'kin dahil sa tono at pananalita ko. "Mali ba ako binibini?"



Napapalatak siya at saka tumanaw muli sa labas. "Wala lang ako sa sarili. I didn't sleep well last night kaya medyo masakit ang ulo ko ngayon."



"Neither did I," sagot ko agad. Naalala ko na naman tuloy kung bakit ang aga kong pumasok ngayong araw na 'to. Alas sais pa lamang nandito na 'ko. "Nagising ako ng alas tres tapos 'di na ako nakatulog ulit. Pagdating ng alas sais nandito na 'ko sa school," kwento ko. I leaned back, crossed my legs, and folded my arms. "Wanna know why?"



"Dahil totoo ang himala?" Turan niya habang nasa labas pa rin ang tingin. "Baka masyadong masarap ang ulam niyo kagabi kaya sinaniban ka ng kasipagan para pumasok ng maaga."



"No, ulap. Pumasok ako ng maaga kasi may report at presentation ako na kailangan tapusin para sa meeting mamaya," paliwanag ko. Pumalatak ako't suminghap. "Paano ba naman kasi itong magaling naming presidente...bigla-biglang nagpapasa ng task. Sana sinabi niya agad last week pa lang na wala siya ngayon para naman nakapaghanda ako. Ako na naman tuloy ang mapapasabak sa meeting kasama ang senate council." Napatingin siya sa'kin. I pointed her. "I dislike them more than Monteclaro. Baka hindi ako makapagpigil mamaya, mabigwasan ko sila isa-isa."



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon