Chapter 5

53.7K 1.5K 1.2K
                                    

THE NEW BULLY TARGET



SAMANTHA's•


"What a small world, baby blue eyes," I whispered. "We've met again."


I saw how she stiffened in shock.


Akala niya siguro hindi ko siya mapapansin. Matagal na akong aware na kaklase ko siya, at matagal ko na siyang kilala base sa pangalan niya.


Most teachers here in Harrison know her and like her so much because of her attentiveness or whatever she contributes in class. Last year ko pa naririnig ang pangalan niya mula sa mga guro na hinahangaan siya. I just couldn't believe na ang tanyag na pangalang Skylie Rae ay pagmamay-ari pala ng isang dugyot na katulad niya. It's so disappointing. Bummer, literally.


Anyway, she'll be our next target.


Matagal-tagal na rin noong huli kaming magkaroon ng bully victim na Akaizha. For some reason, I enjoyed playing with someone. Ang kaibahan lang ngayon ay medyo nag-iingat na kami dahil sa pag-aalala na baka maulit muli ang nangyari sa huling biktima namin na muntik nang magpakamatay dahil sa depression, at dahil sa amin yon. Of course, we felt guilty. Halos hindi ako nakatulog non. Thanks to God, she was still able to recover. Simula non, itinigil muna namin ni Akaizha ang ginagawa. Ngunit ngayon, I found a reason to get back to track. Paglalaruan ko lang naman.


Napatingin ako sa bag ko nang maramdaman ang pagvibrate ng cell phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan. Napangiti ako. Tamang-tama, Akaizha's calling.


"Sammy girl, may sasabihin ako." I rolled my eyes.


Ganito lagi ang bungad niya sa tuwing tatawag sa'kin, at hindi pa man niya binabanggit mukhang alam ko na ang sasabihin niya.


"Hello to you too," I answered in sarcasm.


Hindi niya ako pinansin. "I have good and bad news. What do you want to hear first?"


"Neither of the two."


"Samantha!" She warns.


"Fine! I'll go with the bad one," walang gana kong sagot.


"The bad news is...sila na naman ulit." She's talking about her ex. That jerk, Brent the dick-head! "Sana masaya sila."


"My goodness, Aish! Magmove-on kana. Gwapo ba ang pagmumukha non para pag-agawan niyo ng pinsan mo?!"


"Do you know what's the good news?" Napairap ako nang balewalain niya ang komento ko. "Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ko na siya babalikan."


I snorted. "Lokohin mo ang sarili mo, Akaizha. Sinabi mo rin yan dati tapos nagsorry lang siya sayo, pinatawad mo rin agad!"


"Sammy naman eh!" Maktol niya. "Mahal ko eh!"


"That's not love, that's obsession."


"Wow ah. Kung obsession pala 'to, ano na lang ang mayroon kayo ni Steph?"


"Whatever! I have a good news din pala. I'm sure you'll like it."


"Really, huh? What is it?"


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon