Chapter 4

53K 1.6K 466
                                    

SMALL WORLD

My heart beats are unusual. Hindi naman ganito ang tibok ng puso ko sa tuwing kinakabahan. It's different. Nahihirapan akong huminga ng maayos.


"T-tara, alis na tayo." Pag-aya ko sa dalawa bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga. "Hihikain yata ako," mahinang sabi ko.


"Huh?" Si Gwen na siyang pinakamatalas ang pandinig. "Nakita mo lang si itlog hihikain kana? Ang OA mo na talaga, ulap. Akala ko ba nagbago na——!"


"Ewan ko sayo. Wala akong sinabing ganon." Hindi ko siya pinatapos at hinila silang dalawa paalis. "Tara na sa canteen!"


"Tungkol ba 'to sa sulat?" Bulong pa ni Gwen.


"Anong pinagbubulungan niyo?" Usisa ni Rob sa pabulong na paraan din.


Hindi ko sila pinansin. "Una na kami Xianold. Pupunta pa kaming canteen. Nagugutom na raw sila."


"Sure. See you around."


Ngumiti lang ako.


Tuluyan ko na silang hinila paalis lalo na si Rob na panay ang lingon. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang huminto si Gwen at tinanggal ang kamay kong nasa braso niya. Hinarap niya ako. Binitiwan ko na rin si bakla.


"Bakit ka ba nagmamadali?" Tinatamad na tanong niya. "Kahapon lang gustong-gusto mong makita ang crush mo tapos ngayon iiwas-iwas ka?"


"Oo nga. Sabi mo kanina wala kanang interes sa kanya. Anong meron?" Segunda ni Rob.


"Hindi ako umiiwas ah!" tanggi ko naman.


"Bistado kana ulap. Tignan mo naman kasi oh, abot kamay mo na sana. Malay mo di ba, pinakilala tayo ni..." hindi niya kilala ang taong babanggitin. Tumingin siya kay Rob. "Sino nga ulit yon, Roberto? Yung jowa-jowaan mo?"


"Xianold!" Pasinghal na sagot ng huli.


"Ahh, Xianold. Oh, Xianold. Corny ng pangalan ah." Bulong niya pa. At dahil busy kakalingon si Rob kay Xianold, hindi niya narinig ang sinabi nitong una. Mapamistas ang bruha. "Chance mo na sana kung hinintay lang natin sanang ipakilala ka non kay Steph mong bulok."


Hinampas ko siya sa balikat. "Gwen, I said hindi na ako interesado. May girlfriend yung tao."


Nagkatinginan sila. "Girl, sure ka bang si Skylie 'tong kasama natin?" Bulong ni Roberto.


"Hindi natin sure. Impostor yan."


"Ano ba naman kayo. Hindi nalang kayo matuwa dahil hindi na ako magpapantasya!" Iniwan ko sila na agad din namang nagsisunuran. "Ayaw ko lang ng gulo."


"Natatakot ka sa girlfriend niya, no?" Gwen asked.


"Hindi no!" Hinding-hindi ko aaminin.


"Sus, hindi raw. Siya yata ang dahilan kung bakit ka umalis agad. Natatakot ka sa babaeng yon?" Oo, Gwen. Ikaw na ang matapang. Sa sobrang tapang mo parang gusto ko na lamang kitang ilibing ng buhay.


"Ayan ka na naman, Vice President. Laging away talaga ang hanap mo eh. Diyan ka talaga magaling. Kababae mong tao!" Biglang sermon ni Rob. Napahinto ako at napalingon sa kanila.


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon