Chapter 27

53.8K 1.7K 1.2K
                                    

ARE WE THERE YET?




SKYLIE's•



"Bunso, hindi ka pa naligo? Magprepare kana. Aalis tayo ng maaga," sabi ni kuya nang mapansin ako. Nakatayo siya sa harapan ng TV, nakahalukipkip, at nanunuod ng balita.



"Saan pupunta, kuya?" Takang tanong ko. "May lakad din ako."



Sinulyapan niya ako. "Akala ko ba may project kayo ni Samantha na kailangan gawin?"



"Opo. Kasama ko siya sa reporting." Speaking of reporting, nakalimutan ko pala itanong sa babaeng 'yon kung anong oras ba dapat kami magkikita. Ang sabi niya lang morning, so dapat ba kanina pa ako nandoon? "How did you know?"



"Ang bilin niya kasi kahapon, isabay raw kita ngayon. Doon daw kayo gagawa sa resto."



"Ah oo, pero...ang aga pa," sabi ko.



Muli niya akong sinulyapan. "Anong maaga pa? Alas otso na. Magprepare kana ro'n para makaalis tayo."



"Sinabi niya ba sayo kung anong oras kami gagawa?"



"Nope. Ang sabi niya lang isabay kita."



"Yon naman pala eh. Susunod na lang ako, kuya. Ang aga pa. Alam ko naman kung saan 'yon."



"No, bunso." Tuluyan siyang bumaling sa'kin. "Sasabay ka sa'kin dahil magtataray na naman 'yon at madadamay na naman ang mga nagt'trabaho ng tahimik do'n," sabi niya pa. Napaungot naman ako. "H'wag ka nang makipagtalo."



"Ba't naman niya idadamay?" I asked, rhetorical question. "Anong oras ka ba aalis?"



"Nine. Maligo kana ro'n. Kumain ka na ba?"



"Hindi pa."



"Doon kana kumain."



"Kuya, susunod na nga lang po ako. Mauna na kayo ro'n," ulit ko. I-m'message ko na lamang siguro ang monster na 'yon para hindi siya maghintay at umasa na darating ako ng sobrang aga. "Promise I'll be there around 10 am. Pakisabi na lang sa kanya."



"Isa, Skylie."



"Kuya, kahit magbilang ka pa diyan," sabi ko pa, hindi man lang nasindak.



His brow raised a little.



"Sige. Sabi ko pa naman igagawa kita ng takoyaki bukas. H'wag na lang pala," at bigla na lamang niyang dinamay ang pagkain na madalas kong craving. "Dadaan pa man din sana ako ng palengke mamaya pag-uwi para bumili ng crab, pero h'wag na pala."



"That's blackmailing!" Akusa ko sabay simangot. He really knows how to twist my mind, eh? "Oo na. Sasabay na!"



Natawa siya. "Bait naman."



"Ewan ko sayo kuya!" pumalatak ako at padabog na umakyat pabalik ng kwarto.



Natalo na naman ako. Wala akong choice, takoyaki na 'yon eh, kaya hindi na ako umangal pa. Naligo ako, nagprepare ng gamit, at pagkatapos ay tumunganga sandali sa harapan ng salamin. Natagalan ako sa pagdesisyon at pagpili ng susuotin dahil ayaw kong magmukhang dugyutin na naman sa Samantha na 'yon. Lagi akong fresh tapos tatawagin niya lang akong dugyot? How rude! Napakasama ng ugali niya. Oh well, kahit naman siguro anong isuot ko, tatawagin niya pa rin akong ganon eh. Kahit bagong ligo pa ako o bagong bihis. So bakit pa ako nag-aayos dito? Such a waste of time. Ah basta, maganda ako.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon