Chapter 22

58.3K 1.6K 1.7K
                                    

MY STEPBROTHER's SISTER




SAMANTHA's•



Sitting down in my office, I rested my chin on my palm and stared at the pouring rain outside. There was a typhoon coming, and according to the news, it would make landfall tomorrow. It's a strong bagyo. But we still have morning lessons today, though, because the suspension of classes was not yet in force and would only take effect later in the afternoon. And with that stupid call from whoever was in charge, we were all going to be stranded.



Oh well, suspended or not, I have to be here. Marami pa akong dapat asikasuhin para sa nalalapit na event. Pwede rin naman akong magstay rito at dito na lang matulog. May mga gamit at damit naman ako rito, and food as well, kaya wala akong dapat na isipin. And besides, there's so much more to do here than stay at home. Mababaliw lang ako sa bahay. Nanay Meling is on vacation leave right now, so I have no one to talk to. Dad...? Nah. I'd rather not kaya mas mabuti pang dito na muna ako.



I'm worried about the music fest. This coming Friday na 'yon. I'm hoping na hindi magtagal ang bagyo sa bansa dahil kapag nangyari 'yon, we have to postpone it and move the date again. Everything is prepared and in place. Kapag hindi pa rin ito natuloy ngayong buwan, we will have to start over, which will be a lot of work for everyone. Nagsisisi na nga ako inako ko pa 'to. If only it weren't a tradition, I would opt out and let the board handle it. Masyado na kaming napapagod. At kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ipinaubaya ko na lang ulit sa mga matatanda ng faculty ang pag-aasikaso nito. But there's no turning back now. Nandito na kaya paninindigan ko 'to 'gaya ng pinangako ko kay lolo.



Nagbaba ako ng tingin sa phone ko na nasa harapan ko lang, nakapatong sa table. I touched the screen to open it. And to my dismay, puro messages na naman ni Steph ang bumungad sa'kin—ang kanyang mga messages na puro sorry at mga pangangatwiran ang laman. I'm so done with his bullshit. Dalawang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin matapos ang ginawa niyang pag-iiskandalo sa resto namin. Hindi niya man lang nirespeto ang mga kumakain at pati na rin ang mga taong nagt'trabaho roon. He overstepped his bounds and embarrassed himself to dad and my cousin, and even to Juss Aecent. Binigyan niya lang sila ng rason para mas lalong hindi siya tanggapin. Tapos ngayon idadaan niya lang sa sorry ang lahat na para bang simpleng bagay lang ang nangyari? He must be crazy. Punong-puno ako sa kanya noong araw na 'yon that's why I lost it.



We fought. It was the worst fight we had. I was so mad that I tried to break up with him again. Sinabi ko sa kanya lahat ng dahilan kung bakit gusto ko nang bumitaw, kasama na ang katotohanan na ni minsan hindi ako naging sigurado sa kanya. I even told him kung bakit ko siya sinagot noon, which was a selfish mistake of mine. I admit and regret that. But...he won again. Hindi na naman siya pumayag. Ayaw niyang makinig sa'kin. And for the first time, he bawled out while on his knees in front of me, begging and badly wanting my forgiveness. I was so frustrated. Wala nang kwenta ang mayroon kami. Is it really that hard to let go of someone na hindi mo naman talaga mahal? Ending a shitty relationship shouldn't be this hard for someone who has a heart of stone and can be callous at times, like me. But I just want him to understand na wala na talaga, that I'm no longer holding on. Kaya ang gusto ko kapag bumitaw ako, bumitaw na rin siya. Ayaw ko nang may mangungulit pa sa'kin. Ayaw ko nang may manggugulo pa. John Steph wasn't that bad, you know. Hindi man siya loyal pero naging mabuting boyfriend naman siya kahit papaano kaya ayaw kong pahirapan ang mga sarili namin. Gusto kong matapos kami sa maayos na paraan. And as much as possible, I want us to end with no issues and less drama.



Muli akong tumingin sa labas. Kailan nga ba ako nagsimulang magkaganito? I'm not really sure. Pero noong nasa Palawan kami, ang dami kong napagtanto. Mga bagay na kailangan kong matutunang mas ingatan pa, at mga bagay na kailangan ko nang pakawalan because I deserve better—I deserve the best. Girl, I'm a queen. If you want me, then be deserving enough to be my king. This bad bitch will never settle for less again. Enough is enough.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon