Chapter 10

58.7K 1.6K 1.5K
                                    

CAN'T THINK STRAIGHT



SKYLIE's•



"Science Academic Tour..." mahinang sambit ko habang titig na titig sa bulletin board na may mahabang listahan for registration. Mas inilapit ko pa ang mukha ko dahil hindi ko mahanap ang malamang ay hinahanap ko. "Science Academic registration...asan kana ba—finally! Thank God," I groaned.


Registration for Harrison's representative will be at Science Club office, third floor of the Technology Building.


Tumango-tango ako. "Phew!" Napahaplos ako sa aking pisngi. "Third floor of the Technology building, huh?"


At saan naman daw kaya 'yon?


KASALUKUYAN akong nasa Fimeny University ngayon para sa registration ng upcoming Science Academic Contest, na for Pete's sake gusto ko nang sukuan, but nope I just couldn't. Bilang lingkod at kagaya ng lagi kong ginagawa taon-taon, nandito na naman ako bilang suki ng paligsahan na 'to. You know what I hate about this? Not the contest itself, but THIS KIND OF THING, the registration portion where it requires a personal appearance. Ayaw na ayaw ko ito dahil masyadong hassle at lagi akong naliligaw sa paiba-iba nilang venue sa tuwing may palatuntunan. Hindi ba pwedeng sa isang place na lang? Ang nakakatamad dito...hiwa-hiwalay ang pagrehistro sa bawat paaralan at hindi ito pangkalahatan. Kagaya na lamang ng para sa Harrison na doon pa sa Technology building na hindi ko alam kung saang kasulok-sulukan nitong paaralan. They're always like this every year, giving me a real hard time.


"Bunso?" Napalingon ako. It's my sister. "Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya. Wala na naman siyang kamalay-malay.


Dito sa Feminy University nag-aaral ang ate ko. She's taking pre-medicine course and on her second year now. Kagaya niya'y pagm'medisina rin ang napupusuan kong kunin pagtungtong ko ng kolehiyo. Nakikita ko ang sarili kong magt'trabaho sa hospital o 'di kaya'y sa clinic kahit ayaw ko sa mga ganoong lugar. Weird? I know. Ngunit anong magagawa ko, nakikita ko ang sarili as a health practitioner in the future. Iyon nga lang, mukhang may mali at hindi tugma sa pangarap ko. Saka ko na lamang siguro isipin.


"Hindi ko ba nasabi sayong pupunta ako rito ngayon?" Tanong ko.


"Nope!"


"Maaga ka nga palang umalis kanina. Well, as you can see..." nagkibit-balikat ako't sinulyapan ko ang board. "registration is up."


Lumapit siya. "Hmm, oo nga pala. Kailan ang start nito?"


"Baka next month? Mauuna pa ang Music Festival na hindi ko alam pero habang tumatagal mas lalong nad'delay. I have no idea what's happening." Tumango lang siya at binigyan ako ng tingin, nagtataka na namang tingin. "Ano na naman ba, ate?"


"Akala ko ba ngayon ang punta niyo ng Palawan? Hindi ba kayo matutuloy o hindi kana sasama?"


"Ano ka ba, mamayang hapon pa 'yon. Nakapag-impake na rin naman ako. Kailangan ko lang asikasuhin muna 'tong registration na ito bago ako umalis dahil kung hindi...deads ako nito sa mga tigulang ng faculty."


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon