Chapter 7

52.1K 1.4K 1.3K
                                    

RESPONSE RECEIVED


SKYLIE's•



"Dali na, anak. Sandali lang naman tayo. Hindi tayo magtatagal dun."



Sabado ngayon kaya ito si mommy, kinukulit akong samahan siyang makipagkita sa bestfriend niya. Today is my rest day dahil stress na stress na ako sa school kaya as much as possible gusto ko lang magpahinga buong araw ngunit makulit talagang tunay itong nanay ko. Wala naman akong gagawin doon kundi hintayin lang siya at makinig sa pag-uusapan nilang hindi naman ako makakarelate.



"Mommy, ayaw ko nga po!" Tanggi ko naman bilang isang MABAIT na anak. "Bakit hindi nalang si ate?"



"Bunsoy, lagi na lang si ate mo ang sinasama ko. Kilala na siya ng tito mo, ikaw na lang ang hindi. Hayaan mo namang pati ikaw makilala niya. Dali na, pumayag kana. Hindi mo na ba love ang mommy?" Biglang pagmamakaawa niya sabay nguso. Napangiwi lang ako dahil sa inakto ng nanay ko. May pinagmanahan nga talaga si ate. "Isama natin ang Ate Ingrid mo kung gusto mo."



Bagsak ang balikat ko siyang pinagmasdan. Napakamot ako ng batok habang nag-iisip pa rin kung paano ko siya tatanggihan. Wala talaga akong ganang lumabas ng bahay ngayon. Gusto ko nasa kwarto lang; matutulog, kakain o 'di kaya'y manunuod ng mga video clips. Chilling alone kumbaga. Pero imposible namang manalo ako rito kay mommy, mak'konsensya lang ako kapag nagtampu-tampuhan na siya sa akin.



"Ano 'yon?" Sabat ni ate na bigla na lamang lumitaw mula sa kung saan daig pa ang isang kabute. "Ako na naman ang isasama niyo? Kayo na lang, mommy." Nakabusangot na pakli niya. "Samahan mo siya, bunso! Ako na lang lagi. Ang arte mo! Hindi nga ako nagrereklamo kapag ako 'yong sinasama. Ikaw, ba't ang dami mong reklamo?!" Mahabang satsat niya na may halo pang panunumbat.



Shems. Ang dami niyang sinabi.



"Ate, ang daldal mo. Hindi pa ba reklamong matatawag 'yan?" Sagot ko, hindi na rin natutuwa. "Tinatamad nga kasi ako pero ito na nga oh, sasama na! Hindi mo kailangan mag-alburuto diyan!"



"Bakit ka nagagalit?! Ikaw 'tong nag-aalburuto. Reklamo ka nang reklamo!"



"Tama na 'yan. Tama na." Pumagitna si mommy. "Ako na lang ang aalis mag-isa kung mag-aaway pa kayo."



"Sasama ako mommy. Sorry." Mahinang sabi ko at sinamaan ng tingin ang kapatid ko. "May epal kasi—!"



"Mas epal ka! Alalahanin mo mas matanda ako sayo, Skylie. Magbihis kana doon para makaalis na kayo." Nagtotonong panganay na sabi nito habang seryoso ang mukha, but in reality...mas matanda pa akong mag-isip kaysa sa kanya. "Pasalubong ko mommy ah. Gusto ko mallows, mommy ko." Baling niya sa nanay namin. Kitams?



"Psh, isip-bata." Bulong ko.



"Sure, sweetheart." Napabuntong-hininga ako at nailing na lamang. They're always like this, nagpapababy ang isa at bini-baby naman ng isa pa. Hindi kasi ako mababy ni mommy kaya sa panganay na lamang ginagawa. Masyado niyang ini-spoil si ate kaya nagmumukha na akong panganay sa aming dalawa. "Anak, tara na. Magbibihis ka pa ba? Hintayin kita sa labas," baling niya sa'kin.



"Sandali lang ba talaga tayo, mommy?"



"Hindi pa nga kayo nakakaalis, uwi na agad ang nasa isip mo?" sabat na naman ng papansin kong kapatid.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon