Chapter 29

62.7K 1.8K 1.7K
                                    

ABUNJING




SKYLIE's•



Why do weekends seem like a blink of an eye? It's Monday again.



"Good morning, Rae." Nakangiting bati ko sa sarili habang nakaharap sa salamin, inaayos ang curtain bangs ko na pinaputulan ko kay ate kahapon. "Happy, huh?" Mas napangiti pa ako dahil napansin kong magaan nga ang mood ko ngayon kung ikukumpara sa mga nagdaang araw.



A happy Monday indeed!



Ang totoo niyan, madalas naman talagang maganda ang gising ko. I'm a morning person, though. Bihira lang masira ang umaga ko; I couldn't even remember the last time I woke up so grumpy. Kung may naaalala man ako, 'yon ay ang nangyari nitong mga nakaraang tatlong araw. Those weren't bad days, but I was really sick. Nagkasakit ako noong gabi, pagkauwi ko galing sa Valentine's party. Akala ko noong una ay simpleng lagnat lang na mawawala rin kinabukasan, but nope, nauwi pa rin sa trangkaso. Hindi naagapan agad. Mabuti na lang ay hindi na umabot pa ng limang araw dahil baka absent pa rin ako hanggang ngayon—absent na nga ako noong Friday. Ayaw ko namang mahuli sa lessons namin sa school 'no. Anyhow, I'm feeling better now, and everything feels lighter than usual, which I wonder why.



Maybe because of that unforgettable moment—that one beautiful night—that still lingers in your head. It was so beautiful to forget, wasn't it?



I sniffled. "I couldn't even tell if it was real or a mere dream."



I'm well aware na hindi naman talaga maganda ang pakiramdam ko noong gabing 'yon bago pa man ako pumunta sa party; I just didn't tell anybody dahil ayaw kong isipin nila na nagdadahilan na naman ako. Kaya pa naman ng katawan ko no'n, ngunit hindi noong pauwi na. My body gave up. Ang sabi ni dad, nagcollapse raw ako dahil sa lamig. Honestly, I don't really remember that part. What I can clearly recall is that I was in the shed, waiting for dad, when something so fairytale-like happened, of which I'm not sure because it seemed pretty hazy in my head. Was that a hallucination? Most probably. Feeling ko nga minsa'y nababaliw na ako, o baliw lang talaga ako? There were scenes I couldn't get out of my head since that night, and...they seemed so real. I remember it so clearly—almost as if it had actually happened—but I'm skeptical because I know it's quite unlikely that they did. I mean, her? Seriously? Kahit siguro tamaan pa siya ng one billion volts na kidlat, hindi niya gagawin 'yon.



Ayaw ko nang maging delusyonal pa.



Weh?



I mean, I'll try.



"I like you, Skylie Rae." This line was part of it.



Dream or not, I was genuinely curious about how I reacted—or did I even respond? I wish I hadn't said something stupid. Sana kahit sa panaginip man lang hindi ako marupok.



I let out a soft sigh and stared at myself in the mirror. "Set your boundaries, Sky." Dinuro ko pa ang sarili ko. "We don't chase, we attract!"



I checked the time on my wristwatch. It's time to go. Mukhang sa cafeteria na naman ako mag-aalmusal nito ah; sasabay kasi ako kay kuya na maagang papasok ngayon sa kanyang trabaho. Mamaya pa naman ang pasok ko pero kailangan ko rin umalis ng maaga dahil balita ko may rally sa city kaya pihado ay mat'traffic ako kung magc'commute lang ako.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon