Chapter 11

60.6K 1.8K 2K
                                    

BACK IN PALAWAN



GWEN CHLOE's•



"I'm back..." mahinang usal ko.


Ngayon na lang ulit ako nakatapak sa lugar na 'to pagkatapos ng maraming taon. Ang magulang ko na lamang kasi ang madalas na bumibisita rito especially my dad dahil dito nakatira ang marami sa sides ng family niya. I missed it here, my childhood place...Coron Palawan. Dito ako nagkamalay, dito ako nagkaroon ng maraming hindi malilimutang alaala noong bata ako, at dito ako natuto ng sobra habang lumalaki. This place taught me a lot of good things.


"Woah. Ito na ba 'yon?" Tanong ni Skylie na nakatayo na sa tabi ko. Nandito kami sa deck ng barko, pinagmamasdan ang papalubog nang araw. "Ang ganda."


"You like it?"


"No. I love it!" Niyugyog niya ako at niyakap. "Thank you, Gwen! Pakiss nga ako." At mabilis pa akong hinalikan sa pisngi sabay distansya sa'kin dahil alam niyang makakatanggap siya ng sapok award.


Ayaw na ayaw ko talagang hinahalikan ako. Hindi naman sa nandidiri ako, sadyang ayaw ko lang talaga. I sound like sirang plaka dahil nasabi ko na yata 'to dati, pero ano naman?! Bawal maging unlimited?! Kahit magulang ko'y ayaw kong hinahalikan nila ako kaya nawala na lamang ang lambing nila sa'kin sa sobrang arte ko. Ayaw ko sa mga clingy at sweet na tao.


"Skylie!" inis na maktol ko sa kanya.


"Che!"


Binelatan niya lang ako at hindi na pinansin pa dahil kumukuha na siya ng litrato. Sinulyapan ko ang iba pa naming mga kasama na nandito na rin sa labas para pagmasdan ang ganda ng paligid. Manghang-mangha rin sila sa nakikita ngayon at kanya-kanya na ring kumukuha ng litrato ang mga ito lalo na 'yung babaeng bida sa IG. Kilala niyo na siya, babanggitin ko pa ba? Tch. Napangiti ako sa isiping mukhang nagustuhan naman ng mga kasama ko ang lugar. Bakit naman hindi? Palawan is one of the world's best Islands. Coron is one of the popular destinations in this province as it has unique tourist spots. You can see here the rock Islands, azure waters that has World War II shipwrecks and of course, the white sand beaches. Hindi ka magsasawa rito pero...masusunog ka naman sa sobrang init.


ILANG minuto lang pagkatapos dumaong ang barko'y dumating agad ang sundo namin. It's our private van here na siyang service ng mga turistang bumibisita at nag-i-stay sa resort namin dito sa Coron. For now we're going to stay in the cottages that we own, our floating cottages. Tinawag lang itong 'floating cottages' dahil nasa ibabaw ng dagat pero hindi ibig sabihin ay palutang-lutang na ito't paggising mo'y nasa laot kana. Hindi ganon, friend. Gusto ko lang i-explain.


Tanaw mula sa tutuluyan namin ang malawak at asul na dagat kung saan maraming bangka ang naglalayag paparito't paparoon. Boats here are also way of transportation kung gusto mong makarating sa bayan ng mabilis. Pwede ka rin namang sumakay sa mga tricycle sa labasan ngunit asahan mong medyo may kamahalan ang singil nila dahil hindi naman ito kagaya ng syudad na maraming tao ang pwedeng maisakay ng mga trike driver sa isang araw lang. That's the life here in the Island. Kung gusto mo ng mura, sa seafoods garantisado ka. Mura na, fresh pa.


Hahaha. Okay, Gwen.


"Mayad na gabi," bati sa amin ng receptionist pagpasok. "Dayon kamo!"


Translation:
Mayad na gabi - Magandang gabi
Dayon kamo - Tuloy kayo or welcome


Cuyonon is Palawan's first language. It's like Ilonggo dahil may mga salitang nagkakatunog at pareho ng kahulugan sa salitang gamit nila rito. I can say that it's also similar to bisaya but not quite. This dialect is not really known. Kapag narinig ng ibang tao ito, una nilang iisipin ay bisaya. But, it's not. Hindi ito bisaya. Dito sa Coron, most people speak Tagalog. Hindi lahat ng nandito ay gumagamit ng mother tongue, but in other Islands like Cuyo Island, they purely use Cuyonon language. Kagaya ng bisaya, kahit papaano'y madali lang din naman itong intindihin, reason why it was easy for me to learn. I can speak and understand it kahit gaano pa ito kalalim. Slang nga lang kapag nagsalita na ako nito.


Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon