Chapter 26

60.8K 1.9K 1.6K
                                    

AIN'T JEALOUS



SKYLIE's•



"Things are not working between us. You're my stepbrother's sister. So we're like siblings, too. I think we are better off as friends. Don't you think so?"



I couldn't believe it. Nafriendzone na naman niya ako! Anong we're like siblings? Hindi tayo magkadugo 'no! Better off as friends pa siyang nalalaman. Hindi pwede! Marami na akong friends! Pero okay lang, e'di sige, tanggap ko naman. Inaasahan ko nang ganon ang magiging reaksyon niya dahil medyo komplikado nga ang mga bagay-bagay sa pagitan namin, at kung hindi man....wala pa rin magbabago. Hindi niya ako gusto. Nag-alala nga ako noong una na baka magalit siya sa'kin kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko; mabuti na lamang talaga ay totoo ang himala. Pinagpapasalamat ko ng sobra na kinausap niya ako ng maayos. Aba'y ang kalmado pa nga. Nananakit nga lang. Pero okay na ako sa friendzone, h'wag lang sa kapatidzone.



Ah, no. Neither are OK, Skylie. Ano ba!



Sana pinatay na lamang niya ako. Kidding. Ang drama ah.



"Fuentes!" Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang maganda kong apelyido. Tumingin ako sa pisara kung saan nakatingin na sa akin si Mr. Carter. Did he just catch me spacing out? Hala! "Are you listening?"



"Y-yes, sir." I nodded nervously.



Sir, h'wag mangangagat please.



Inangat niya ang kanyang kamay na may hawak na index card—at kanino pa bang card e'di malamang sa'kin. Nabunot niya pala ang pangalan ko kaya ako napansin. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya, tumayo na agad ako. It's recitation slash gisaan time. Nasa bingit na naman kami ng aming pagbagsak. Ang swerte ko talaga. Sana sa lotto rin. Gosh. Hindi pa naman ako nagreview kagabi.



"Did you study last night, Ms. Fuentes?" At ayon, itinanong na nga.



"I'm afraid I did not, sir."



Honesty is the best policy, right? Hindi naman talaga ako nagreview.



He stared at me for a few seconds, which felt like an hour, before he laid the cards on the table, sat back in the chair, and casually crossed his arms to gaze at me again. "Do you still remember what we learned two weeks ago?"



Eh???



Two weeks ago?!!! Jusmiyo ka, sir. Lesson nga last week 'di ko maalala, two weeks ago pa kaya?!



"Yes, sir." Pagsisinungaling ko with confidence.



May 'honesty is the best policy' ka pang nalalaman ah.



Napahiya na ako sa pagiging tulala ko kaya hindi pwedeng pati rito ay mapahiya ako. Ang gusto ni Mr. Carter ay nakikinig ng mabuti ang kanyang mga estudyante sa tuwing nagtuturo siya, at higit sa lahat...gusto niya ay nasasagot lagi ang mga tanong niya. Paano kung hindi? Simple lang, magiging gisado mix ka hanggang sa matapos ang kanyang klase; sayo niya ibabato ang lahat ng tanong na maiisipan niya. Pa'no kapag hindi ulit nasagot? Simple lang din, magdasal kana kasi makikita mo ulit siya next year. Kidding. 'Di naman ganon ka-harsh si sir. Upang mabawi ang iyong marka, gagawa ka lang naman ng special project na may PERFECT output. At h'wag niyong papaandaran ng 'nobody's perfect' si Mr. Carter kung ayaw niyong pati grades niyo magiging ain't perfect. Mas mababa pa 'to sa dugo mo kapag nagbigay ng grado.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon