Chapter 19 Is this Real?

Magsimula sa umpisa
                                    

I knew it. May iuutos si Mama sakin kaya ganun ang tono ng boses niya nung una pa lang. Napangisi na lamang ako.



"Okay, Mama. Sa MOA right?"

(Yes! Really? Thank you my princess. Mag co-cook ako later ng baked macaroni for you. Ingat ka. Bye!)



Binaba na ni Mama ang tawag, napangiti ako sa huling sinabi ni Mama na ipagluluto niya ako ng baked macaroni. Bigla akong napatigil, naisip ko kung saan ako sasabay neto papuntang MOA. For sure, tatanggihan ako ni Kuya neto dahil busy sila. Hindi pa ako pinapayagan nila Mama na magmaneho.


"Kanino ako sasabay neto?" Tanong ko sa sarili ko.




"Need a ride?" Nagulat ako nang may marinig akong boses mula sa likuran ko. Kaagad akong lumingon sa pinanggalingan neto.


"No, thanks!" Pagtataray ko sa kanya. 



"C'mon I'm sure hindi ka marunong magmaneho." Nakangising sambit niya sa akin. Inismidan ko naman siya.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong kay Kiel na mukhang kanina pa nasa likuran ko.



"Maybe?" Nakangiting sagot niya na tila ba'y iniisip kung sigurado ba ang sagot niya. 

"At tsaka narinig ko ang phonecall niyo ni Tita." Paliwanag niya sa akin. Mabilis na naningkit ang mga mata ko sa kanya. So kanina pa siya nandyan? Tsk! 



"Stalker ba kita?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Tumawa siya tsaka humakbang palapit sa akin.


"Me? Stalking you?" Tanong niya habang tumatawa. "You wish, Panget."



"Bahala ka na nga dyan." Inis na sambit ko at linagpasan na siya. Nagmartsa ako habang naglalakad palayo kay Kiel.


"C'mon, Panget! Ako na nga ang nagmamagandang loob." Rinig kong sambit niya habang naglalakad ako palayo.



"Sayo na yang loob mo, basta ako maganda!" Sigaw ko sa kanya nang hindi siya linilingon.

"Hey, stop!" Sigaw niya. Narinig ko ang mga hakbang niya kaya napangiti ako habang naglalakad. 



"I need you, Panget. I said stop!" Rinig kong sambit ni Kiel dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko kaya kumabog ng husto ang puso ko.


"You need me?" Tanong ko nang hindi siya linilingon.



"Yes, I need you..." Ito nanaman ako para nanaman akong mawawalan ng hangin dahil kay Kiel. "I need you to help to find the perfect gift for Ingrid."

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon