"MAY NANGHAHAWAK NG PWET MAY BAKLA BA DIYAN. KADIRI" Si Travis nga. Natawa naman kaming lahat. May kateam nga kaming beki baka siya yun.

Alas singko ng hapon ng lumabas ako ng horror booth. Naglinis lang ako ng mukha at hindi na nagpalit ng damit.

Nagkakasiyahan na nga ang ibang mga estudyante. Naglibot libot ako para hanapin si Zoey. Asan na kaya ang babaeng iyon?

"BABAENG MAHABANG BUHOK, NAKABISTIDA NA PUTI, AT MAY SALAMIN" Nagulat naman ako ng may tumakip ng mata ko at hinila ako.

"Hoy! Anong gagawin niyo sakin?" Sigaw ko hindi naman ako makapalag dahil ang lalakas nila.

"Napag-utusan lang miss" Sabay-sabay naman silang tumawa. Ilang saglit lang ay huminto naman kami at tinanggal na nila ang pagkakapiring sakin. Nakailang pikit pa ko para maliwanag ang mata ko. Natanggal din ang salamin ko.

Bigla naman may naglagay na belo sa buhok ko. Belo ba ang tawag roon? Naguguluhan naman ako sa ginagawa nila. May nakacostume naman na pari sa harap ko.

"Hi" Napatingin naman ako sa katabi ko at nanlaki ang mata ko ng malaman na si Travis ang may pasimuno na to. "Makisakay ka na lang hehe" Sinamaan ko naman siya ng tingin saka humarap dun sa lalaking nasa harap namin.

"Travis, do you take-pre anong pangalan niya?-"

"Serena"

Bulungan nilang dalawa.

"Do you take Serena to be your wedded wife, to live together in marriage?  Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"

"I do" ackkk. Tumingin naman ako kay Travis na may nandidiring mukha. Seriously?

"Serena do you take Travis
To be your wedded husband to live together in marriage?  Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health and forsaking all others, be faithful only to him so long as you both shall live?"

Nakatingin parin ako kay Travis na ang laki na ng ngiti samantalang ako ay parang natatae na ewan.

"Sabihin mo I do"

"I do"

"Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife.

You may now kiss your bride!"

May sinuot si Travis na singsing na plastic sakin. At sinuot niya ang kaparehas nun.

Lalapit na sana si Travis sakin ng suntukin ko siya sa ilong.

"Kiss mo mukha mo" Sabay alis ko.

"Arayyyy"

Hayy! Nakakabwisit sila.

Alas Syete na ng matapos ang lahat.

"Ingat ka Serina. Babye" Paalam ni Zoey sakin saka mabilis na umandar ang sasakyan. Inaya niya pa akong ihatid pero tinanggihan ko naman dahil baka makaistorbo pa ko dahil pagod na rin siya.

Naghihintay ako ng Jeep na masasakyan ngunit parang wala ata.
Sampung minuto na ko naghihintay.

"Boom!"

"HOY! BAKIT KA BA NANGGUGULAT?!" sigaw ko kay Xander na bigla bigla na lang sumusulpot sa harap ko.

"Kailangan ba may dahilan para mang gulat?" Tanong niya saka tumawa.

"Kung hindi lang kita kilala iisipin kong rapist ka o isang holdaper" sambit ko na kinataas ng kilay niya.

"Ang mukhang to? Mukhang rapist o holdaper? Ha-ha nagpapatawa ka ba? Baka nga ikaw pa ang mangrape satin dito eh"

"Aba, singkapal nga naman ng encyclopedia ang mukha mo no?"

"At least pogi"

Hindi ko naman na siya pinansin. Dahil mas maiinis lang ako lalo.

"Oh? Kinasal ka?" Sabay turo niya sa daliri ko.

"Ano namang pake mo?"

"Wala. Akalain mo yun may pumatol sayo" sabay halakhak niya. Babatuhin ko na sana siya ng sapatos ko ng bigla siyang tumakbo.

"Argh! Bwisit ka!!" kahit malayo at nakikita ko parin ang mapang inis niyang mukha. Bwisit na lalaking yun.

Napatingin naman ako sa singsing na nasa daliri ko.

Isa ring baliw ang lalaking yun

Hello, DaddyWhere stories live. Discover now