Chapter 18 Mr. Right?

Magsimula sa umpisa
                                    



Tumango na lang ako kay kuya. Wala naman akong magagawa eh. He is my boss! Pinahiram ako ni Ate Dianna ng damit niya. Jeens na blue at tsaka t-shirt. May mga crop top si Ate Diana, kaso hindi naman ako nagsusuot ng mga ganun. Buti nga may nahanap si Ate na t-shirt.


Sabagay mahilig siya sa mga crop top. Hindi na rin ako magtataka kung bakit na inlove sa kanya ang kuya ko. Kapag suot ni Ate Dianna yun, ang sexy niya siguro? Eh ako magmumukha akong posporo. :3



Bumama na ako at sumakay sa kotse ni Kuya. Habang sina Drake at Ate Dianna sa kotse nila sumakay. Nag dalawa kaming kotse, kasi sina Ate at Drake ay may pupuntahan mamaya kaya dinala ni Drake ang kotse niya. Samantalang kami naman ni Kuya? Syempre, uuwi. Ano pa ba? Tsk. KJ 'tong kuya ko eh.



Nakarating na kami ng school at ang dami na ring mga estudyante dito na naglilinis. Naks. Ang babait ng mga estudyante ngayon ah? Anong nakain natin? Pinapunta kami nila Ma'am Bautista at Sir Gomez sa room namin. Si Ma'am Bautista, adviser siya ng section 2 at si Sir Gomez naman ay adviser namin. Bakit kaya nandito si Ma'am Bautista? 


Ina-sign ni Sir Gomez kung saan kami mga nakatoka para sa general cleaning. 



"All six of you will be there." Turo ni Sir sa gawing yun at duon sila maglilinis. 

Sa bawat group anim ang member. Kailangan matapos niyo ang mga ipapagawa sa inyo ng mga teachers. Kasi may grades din yun. Psh. May subject bang ganun? Para bigyan ng grades? Hays.



Tinoka-toka ni Sir sa aming section 1 kung saan kami maglilinis. Kaso naiwan ako, si Kyla, yung ibang girls at boys. Saan kaya kami?


"Uhhmm boys, kayong tatlo and kayong tatlong girls kayo na lang ang maglinis ng mga gagamitin sa paglilinis." Utos ni Sir. Kaso hindi ako napili. Nakakainis si Kyla lang yung napili. Saan naman kaya ako ilalagay? 


Teka, Ngek! Ako lang pala ang hindi nasali? Ano 'to? Elimination? Papa-uwiin na lang ba ako? Sanaaa!



"Sir? Saan po ako?" Tanong ko kay Sir Gomez.

"Ohh, ikaw pa pala Ms. Castillo. I'm sorry. Uhmm, I guess.." Nag-isip si Sir Gomez kung saan niya ako itotoka.



"Sa section two na lang siya!" Singit ni Ma'am Bautista.  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Bautistsa. Ano daw? Saan daw?


"Kulang kami doon. Kasi yung isang group dun, five members lang sila. Eh six ang kailangan. So I guess I'll just put Jassy in that group, so it will be six in total." Nakangiting paliwanag ni Ma'am Bautista samin. 



Ilang minuto ko pang sinink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Ma'am Bautista.  Bakit kailangan ako? Ayoko pa naman na mapunta o makapasok sa section na yun. Maliban sa nandon ang ex best friend ko, nandoon din ang ungas na si Kiel. Pero inisip ko na lang na nandon naman si Drake, makakasilay ako sa kanya pag pumunta ako roon.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon