"Hay nako tatay, mukhang natunugan mong ipagluluto kita at nambobola ka po ah?" Nangingiting saad ko, mukha naman syang nagulat.

"Ipagluluto mo ako?"

Nakangiting tumango ako.

"Ano nga po palang gusto nyong ulam? Kaya ako pumunta dito ay para itanong iyon, alam nyo na, wala...wala..wala pa po akong masyadong alam sa inyo.hehe" sabay kamot sa ulo.

Nakita ko namang napangiti ang ama ko at nakakaunawang tumango. Nakita ko ding nangingilid ang luha sa kanyang mga mata pero bumuntong hininga ito at ngumiti sa akin

"Hayaan mo, marami pa naman tayong oras. Pero maalam ka ba ng kaldereta?" Tanong nito na parang batang curious na curious.

"Aba tay! Kung hindi nyo po naitatanong ay ako ang pinakamagaling sa pagluluto ng kaldereta!" Buong pagmamalaki kong saad na ikinatawa namin parehas.

Narinig kong may tumikhim kaya parehas kaming napatingin ni tatay sa taong kaharap namin. Doon ko nakita si sungit na kinakausapa ng tatay ko gamit ang kanyang mga mata.

Siguro may pinaguusapan silang mahalaga kaya tumayo na ako mula sa kinauupuan.

"Sige po tay, magluluto na muna ako. Tuloy nyo na po ang pinaguusapan nyo.hehehe" sabi ko saka akmang maglalakad na ng tawagin ako ni tatay.

"Hindi hija, actually tungkol sa iyo ang pinaguusapan namin. Maupo ka muna." Sabi nito kaya tumango ako at naupo sa tabi nya ulit.

"Tungkol po ba saan?" Tanong ko.

"Nang malaman ko kasi kung nasaan ka matapos ng mahabang panahon ay nagpasaliksik ako ng mga bagay na patungkol sayo dahil gusto kitang makilala. Gusto kong malaman ang mga pinagdaanan mo ng wala ako sa tabi ng nanay mo. Sana ay hindi ka magalit." Sabi nito ng nananantya.

Tumango naman ako dahil wala naman nangyari sa aking masama. Ika nga, no harm done.

"Nalaman ko na natigil ka sa kolehiyo noong patungtong ka na sa ikatlo mong taon?" Tanong nya sa akin.

"Ahhh...opo, inilaan ko po kasi ang naipon ko sa pagpapalibing kay nanay kaya hindi na rin ako nakapagenroll." Paliwanag ko.

"Ano bang kurso mo anak?" Tanong nya kahit alam kong alam na nya. Naiintindihan ko naman na kahit alam na nya ay gusto nyang marinig mula sa akin.

"Accountancy po."

"Mana ka talaga sa akin, mahilig ka ba sa matematika?" Tanong nya at agad akong napangiti at tumango.

"Opo. Kahit karamihan sa mga tao ayaw ng Math, mas naeexcite at nachachallenge po ako pag may hindi ako makuhang sagot at sobrang tuwa ang nararamdaman ko kapag nakukuha ko ang tamang sagot. Saka kailangan ko po yun para hindi ako madaling maloko pag dating sapera." Biro ko na ikinatawa nya.

"Well, may point ka dyan. Napagusapan kasi namin ni Alex na ipasok ka ulit sa kolehiyo, ikaw na rin ang pumili kung saan mo gustong pumasok na paaralan." Sabi nya na agad na ikinalaki ng mga mata ko.

"Talaga po??? Seryoso???" Tanong ko at nakangiting tumango ang tatay ko. Nakakatuwa naman, makakabalik ako sa pag-aaral!

"Jinja."

[Jinja=Really.]

"Ho? Ano ho yun? Jinja?" Kunot-noo kong tanong sa sinabi nya.

"It means really in korean." Saabt ni sungit kaya napatingin ako sa kanya.

"Uy! Nandyan ka pala sungit! " asar ko dito at nakita ko syang nakapoker face na naman. Hays, sa tagal naming hindi nagkita, wala man lang pagbabago sa kanya.

Gwapo pa rin--ay! Este, poker faced pa rin! Ano ba yan!

"Hayaan mo anak, matutunan mo rin ag ikatlong lenggwahe na madalas gamitin sa pamilya natin. Isa pa pala Amia." Sabi ni tatay kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

Mukhang dinner ko na maluluto yung kaldereta ah?

"Alam kong naninibago ka pa sa mga pagbabago sa buhay mo ngayon at alam kong hindi ka pa sanay sa lahat, kaya naisipan kong turuan ka ni Ms.Molly patungkol sa mga nararapat gawin ng isang tigapagmana na tulad mo. Gusto kitang ipakilala sa mundo na ikaw ang magiging tigapagmana ko Amia, I want them to know that I have a beautiful and amazing daughter like you, and I want you to be ready when that day comes with the help of a friend." Paliwanag nito sa akin na ikinatigil ko.

May namumuo kasi sa aking isipan na kung ano pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Siguro ay ito ang paraan ni tatay na bumawi sa mga pagkukulang nya noon, isa pa ay wala naman talaga akong kaalam-alam sa kung ano ang ginagawa ng isang tigapagmana.

Alam kong lumaki ako ng mahirap at kumikilos sa naayon sa gusto ko, pero siguro ito nga ang kalakip ng pagtanggap na anak ako ng tatay ko.
Gusto ko rin namang makatulong at bumawi sa kanya bilang anak nya kaya nakakaunawang tumango ako sa kanya matapos huminga ng malalim.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanya at niyakap ako. I hugged him back at ng humiwalay ay inayos nya ulit ang buhok na humarang sa mukha ko.

"Saan mo ba gustong pumasok na paaralan hija? May napupusuan ka bang eskwelahan? Masyadong malayo kasi dito ang dati mong paaralan at baka mahirapan ka lang sa pagbyahe."

"Kung maaari po sana ay sa state univ----"

"I suggest Sir to enroll her in PL University." Agad akong napatingin kay sungit ng banggitin nya ang pangalan ng university na iyon.

Iyon yung madalas kong madaanan pagpauwi na ako galing trabaho dati. Isa iyong prestigious academy for elites. In short, hindi ako nababagay doon kahit pa sabihin na nating nasa poder na ako ng aking ama.

"Hindi ba pwedeng sa ibang eskwelahan na lang ako pumasok? Hindi naman ako nababagay sa ganoong eskwelahan." Pag-angal ko kay sungit pero tinignan nya lang ako.

"You are the heiress of Park Empire, you are a princess, I think it is just appropriate to enroll you in a school that can give you the best." Sabi nito saka binalingan si tatay.

"Besides sir, we can monitor and look after her in that school to ensure her security." Sabi nito kay tatay at ng tignan ko sya ay alam ko na ang sagot.

Wala kasi akong nakikitang pagtanggi sa kanya at ang nakikita ko ay pagsangayon sa sinabi ni sungit.

Napabuntong hininga na lang ako at pikit-matang tumango sa desisyon nila. Ano pa bang magagawa ko? Nakapagdesisyon na din naman si sungit kahit narinig na nya kanina ang pagtanggi ko at ang kagustuhang sa isang state university na lang pumasok.

"It's settled then. Sa PL University ka papasok to continue your course, I'm sure the subjects that you took from your other school will be given credit kaya makakapagsimula ka na sa third year." Sabi ni tatay kaya napatingin ako sa kanya

"Nakausap nyo na po ba yung PL University? Pano po kayo nakakasigurado na mak-credit yung mga subjects ko? Ang alam ko ay mahigpit sila sa mga transferees or continuers." Sabi ko

"With your grades hija, I'm sure na hindi na sila magdududa sa angkin mong talino, all of your grades are remarkable and I'm very proud of you. Besides, Alex will be the one to talk with them dahil sasamahan ka nya sa page-enroll bukas."

Paliwanag ni tatay at wala nga akong nagawa kundi tumango saka ngumiti ng bahagya.

Just go with the flow Kailee. Just go with the flow.

The Princess And The Butler [Completed]Where stories live. Discover now