Chapter 17 Siomai

Start from the beginning
                                    


"Don't change the question, Jassy." Matigas na sambit niya sa akin. Bigla akong napayuko dahil sa kabang nararamdaman ng puso ko.


"Hindi ko kilala." Sagot ko sa kanya at nanatili akong nakayuko. 


"Bakit nakikipag-usap ka sa hindi mo kilala?" Tanong niyang muli sa akin. Bumuntong hininga ako tsaka kalmado siyang hinarap.


"Naapakan niya ang paa ko. Nag sorry lang siya sakin. Okay, wag kang OA." Paliwanag ko sa kanya. Mariin lang siyang nakatitig sa akin na tila ba may tinitignan sa mukha ko. Mabilis naman akong nakaramdam ng pagka-ilang.



"Fine." Sagot niya at biglang tumalikod sa akin. Nalaglag naman ang panga ko. 

Ang bipolar niya ha. Kanina lang para siyang clown kung makangisi sa akin tas ngayon para siyang may dalawa at nagsusungit siya sa akin ng bongga. Ano bang nangyayari sa Kiel na 'to?



"You're unpredictable, Kiel!" Sigaw ko sa kanya. Bigla siyang humarap sa akin at humakbang papalapit. Napa-atras naman ako.


"I almost forgot, Panget." Sambit niya tsaka yumuko para maglebel ang aming mukha. "You need to pay me."

"Huh? Ako?!" Taas kilay na tanong ko sa kanya.



"Hindi. Siya!" Pilosopong sagot niya sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko.

"Tell it straight to the point, Kiel." Reklamo ko sa kanya tsaka humalukipkip sa harapan niya.


Nanlaki ang mga mata ko at nagulat nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya. Mas malapit kami sa isa't-isa kumpara kanina. Ang mukha ko ay nasa dibdib niya dahil ang tangkad nga niya. Naramdaman ko naman ang paghataw ng puso ko sa pagmamarathon.



Dahan-dahan siyang yumuko. Mabilis na nagtama ang aming mga mata. Bigla kong tinikom ang bibig ko. Para akong kakapusin sa hangin sa sobrang lapit namin ni Kiel. I felt his hand behind my back, holding me for support.


"I said pay me." Naramdaman ko ang pagbulong niya sa akin. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan. Ba-bakit ang sexy ng dating ng pagbulong niya?



"Ba...babayaran kita? Ma...magkano?" Wala sa sariling tanong ko habang nasa tenga ko ang bibig niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Lumayo siya sa akin at muling linagay ang kanyang mga kamay sa kanyang magkabilang bulsa.


"Kahit kailan stupid ka!" Tumatawang sagot niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan at dahil don gusto ko siyang sapakin.



"Ako stupid?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Tinuro ko pa ang sarili ko. 

"Ewan ko sayo Kiel!" Dugtong ko at inirapan siya.


"Oo, ang stupid mo." Mabilis niyang sagot sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now