Kabanata 39

1.8K 57 9
                                    

Kabanata 39| Baraha

Madalas kapag nasasabi mo na okay na doon dumarating yung mga rason kung bakit maiisip mo na hindi ka pa pala okay. Yung tipong isang hakbang na lang at makakawala ka na sakit na nararamdaman mo biglang gugulong ka pabalik sa pinakaunang step.

May pagkakataon sa buhay natin na hindi naman talaga tayo nag let go, wala lang talagang tayong ibang choice. May mga bagay talaga na dapat na nating kalimutan para hindi na tayo masaktan pa.

"Nagkalinawan na ba kayo lahat?" Tanong ni Jamie.

Umiling ako. "Feeling ko hindi nila ako titigilan ngayon. Lalo na't alam na nila lahat."

"How 'bout Bea?"

"May mga taong bagay kapag magkasama, pero di naman para sa isa’t isa." Kibit balikat kong sabi.

Napabuntong hininga naman si Jamie sa tabi ko. "Not that, kinakampihan ko sila ha? Why don't you guys talk to each other ng masinsinan?"

"They want me back, Jaym. Gusto mong umalis ako sa inyo?"

"Of course not. But kung yun ang magpapasaya sayo, we're willing naman."

"Guilt is eating me. Oh my god." Natatawa kong sabi. "Aray ko!"

Binatukan niya kasi ako. "Umayos ka nga."

Ngumiti ako. "Feeling ko pinapamigay mo na ako."

"Duh! Maddie! Friends mo yung mga yun before you met Brix and the twins!"

"Alam ko."

"Oh yun naman pala! Aren't you gonna give yourself a reward for being a martyr for almost six years?"

Nqpakunot noo naman ako. "You sound like Papa and Jia."

"We just want you to be happy."

Napangiti ako. "Aw. So sweet naman of you, Jaym."

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong niya bigla sakin.

"Love never leaves, people do."

"She didn't left, Mads. Kasi kung oo? She wouldn't asked you to stay."

Napabuntong hininga ako. "Pagod na ako, Jaym. Minsan nakakatakot na ring sumubok ulit baka kasi mangyari lang yung nangyari dati."

"Kailangan mo lang naman magpahinga pero hindi mo naman kailangan tumigil." Nakangiti niyang sabi. "You're not scared because of Bea. You're scared na maiwanan ka ulit."

"Teka, akala ko ba ayaw mo na kay Bea?"

"Hindi sa ayaw. Ayoko lang na masaktan ka. Pero sa kwento mo, alam kong hindi ka masasaktan."

"Sila ni Ennajie."

"I don't think so." Napapailing niyang sabi.

Hindi na ako sumagot. Hindi ko din naman alam kung ano isasagot ko. Gustuhin ko mang aminin na mahal ko pa rin siya ay hindi ko magawa.

"Give it a shot, Mads. It's time for you to be happy again." Nakangiting wika ni Jamie at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas ako. Hinayaan ko lang yung sarili kong paa kung saan niya ako dadalhin. Kailangan ko ng oras para makapagisip.

Sumikip bigla yung dibdib ko ng mapagtanto ko kung nasaan ako. Kailan nga ba ako huling nakapunta dito? Ang naaalala ko ay yung araw na nalaman kong bumabagsak ako.

Hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa dulo. Naalala ko nung una kaming pumunta ni Michifu dito at yung naging confession ni Bea sakin.

Umupo ako sa may damuhan kagaya ng dati. Kung dati kapag nandito ako hindi ko maiwasang hindi maiyak, ngayon nandito ako para alalahanin lahat lahat ng pinagsamahan namin.

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now