Kabanata 21

1.9K 38 4
                                    

Kabanata 21| Necklace

Mabilis lumipas yung isang buwan simula nung natapos yung bakasyon namin. Balik liga na rin kami ngayon dahil maguumpisa na yung V-league.

Tulad ngayon second game kami at first game ang NU at UST. Nang natapos yung game nila agad na kaming lumabas sa dugout. Nakasalubong namin yung UST. At hindi ko inaasahan yung yakapan ni Bea at Ej. Wow. Ganon na talaga sila kaclose?

"Umayos ka, Maddie. Baka masakal mo nalang bigla." Natatawang sabi ni Gizelle.

"Gi!!!!" Angal ko. Hahampasin ko sana siya kaso tumakbo naman siya ng pagkabilis bilis.

Nagumpisa na kaming magwarm up kasabay yung UP team. Battle of Katipunan nanaman mga bes. Few drills muna, pero masakit na yung balikat ko. Natapos na yung time namin at yung UP naman ang nagdrills. Hawak hawak ko pa yung balikat ko kasi medyo masakit siya.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Bea.

"Yup."

"Then why are you massaging your shoulder?"

"Ay? Bawal ba?"

Inirapan naman niya ako. "Nagtatanong ng maayos."

"Tusukin ko yang mata mo eh." Nginisian niya lang ako at nakipagkulitan na kila Ponggay. Tataas ng energy eh. Kaloka.

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nung bigla akong natamaan ng bola sa balikat. Araysung bes! Masakit. Bakit sa balikat pa?

"Hala! Sorry po! Di ko po sinasadya." Sunod sunod niyang sabi kahit hinihingal siya.

Natawa naman ako. "Kalma. Hinga ka muna."

Tumalikod siya sakin para huminga siya at humarap ulit sakin. "Sorry po talaga."

"Ayos lang yun. Eto na yung bola mo." Nakangiti kong sabi sabay abot ng bola at kinuha naman niya.

Magsasalita pa sana siya kaso biglang may sumigaw ng "Caloy" kaya nagpaalam na siya na babalik na siya sa team niya, tumango naman ako at tinalikuran na rin siya.

Naipakilala na yung first six samin. Pareho kami ni Bea na kasali sa starting six. Himala nga't nagkasabay kami ngayon. (Kunwari muna. Hahaha) Tumingin naman ako sa team ng UP para tingnan yung nakatama ng bola sakin. Napangiti na lang ako kasi nakatingin din pala siya sakin. Ni hindi niya namalayan na tinawag na siya kaya kinailangan pa siyang itulak. So, Diana pala ang pangalan niya.

"Mapunit yang bibig mo." Inis na sabi ni Bea sakin. Mas lalong lumapad yung ngiti ko nang narinig ko si Bea.

"Dudukutin ko din yang mata mo pag di mo pa inalis yang tingin mo sa rookie ng UP." Dagdag pa niya.

Napailing naman ako sa sinabi niya. Pareho kaming nasa frontline ni Bea ngayon at nasa harapan namin si Diana at bago magstart yung game ay kinausap ko siya.

"Kaya mo yan, rookie. Lakas mo pumalo eh." Natatawa kong sabi. Namula naman siya. "Ouch!"

Kinurot kasi ako ni Bea kaya napatingin ako sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya tinawanan ko naman siya.

Nang nagumpisa na yung game medyo beastmode si Bea. Halos nabablock niya mga attacks ni Diana. Hala, si ateng. First set palang dikitan na yung laban namin pero nakuha pa rin namin yung momentum namin. Nang nagsecond set na lalong naging beastmode si Bea, baon kung baon mga atake niya kaya napilitang magtime out yung kabilang team.

"Beastmode si Bea ha. Anyare?" Pangiissue ni Gi.

"Selos kasi siya dun sa rookie ng UP." Wika ni Ate Ly sabay tawa.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon