Kabanata 24

1.5K 51 1
                                    

Kabanata 24| Right

Kinaumagahan mukha agad ni Jho ang bumungad sa akin kaya napabalikwas ako sa kama.

"Ay jusko! Anong ginagawa mo dito, Picasso?!" Sita ko sakanya.

"Help me, Mads!!!" Sabi niya sabay yugyog sakin. "Aray ko naman!"

Napalakas yung tulak ko sa kanya kaya nahulog siya sa kama. "Sorry na! Ang aga aga pa!"

"Sige na please?" Nagbeautiful eyes pa siya.

"Yuck, Jho. Kadiri ka."

"Ang sama mo sakin!!"

"Che! Layas ka nga! Antok pa ako!" Sabi ko sabay talukbong sa kumot.

"MADELIENE TULUNGAN MO NA AKO PLEASE!!!" Sigaw ni Jho.

"Ingay mo naman!" Reklamo ko.

"Please? Aamin na ako sa kanya."

Dali dali akong bumangon nung narinig ko yung sinabi niya. "Talaga?"

"Oo nga. Pero help me please?"

"Sure!" Tuwang tuwa kong sabi at pumunta na agad ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Nandoon na rin si Jho at bihis na bihis na.

"Kain muna tayo, Picasso." Sabi ko sa kanya habang pababa kami.

"Wag na. Drive thru tayo."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Taray beh. May kotse ka?"

"Ay, oo nga pala. Wala. Sa mall na lang."

Napairap na lang ako sa kanya. Drive thru na walang sasakyan? Nagkakalokohan kami ni Jho dito. Nadatnan namin sila Ate Ly na nanonood ng movie.

"Ate Ly, labas muna kami ni Maddie ha!" Pagpapaalam ni Jho.

Ni hindi man lang niya inantay sumagot. Hinila ako agad palabas. Diretso talaga kami sa mall ni Jho. Wala siyang awa sakin kahit gutom na gutom na ako.

"Jho kain muna tayo please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Pumayag naman siya at sa isang fast food kami kumain. Tinitipid niya ako! Mygod!

"Anong surprise pwedeng gawin?" Tanong niya sakin.

"Manliligaw ka na ba?"

"Hindi, Mads. Para sa birthday niya. Psh. Malamang oo."

"Niloloko mo ba ako? Gusto mong iwan kita dito?"

"Joke lang. Ikaw naman di mabiro."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ikaw magisip. Support lang ako."

"Grabe naman yang tulong mo, Mads."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang tanda tanda mo na. Jusko. Just tell her the truth."

"Kinakabahan ako." Pag-amin niya.

"Sino bang hindi?"

"Kayo ba ni Bea? Paano?"

"Jho, dapat iba yung inyo. Yung unique ba."

Napakamot naman siya sa ulo. "Wala ako maisip."

"Sabihan mo mga teammates natin. Tapos sa special place niyo ni Trey doon natin gawin. Bigyan namin ng rose. Isayaw mo siya and then boom. Amin na!"

Napangiti sakin si Jho. "Oo nga no? Thank you!"

Binili namin lahat ni Jho ang mga kakailanganin namin. Grabe. Ang gastos nitong si Maraguinot! Therese, langya ka! Ang swerte mo! Pagbalik namin sa dorm ni Jho laking pasasalamat namin na wala si Trey. Kundi sira ang plano namin.

Where My Love Goes?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن