Kabanata 22

1.7K 45 1
                                    

Kabanata 22| Mahal

Pagdating namin sa kusina nadatnan namin sila Ate Ly na naghahain na sa lamesa. Super seniors kasi ang nakatoka ngayon. Pinasadahan ko ng tingin yung mga teammates namin at nang nagtama ang mata namin ni Bea ay napangiti kaming pareho.

"Ay? Ano yang ngitian na yan?" Intriga ni Ate Mae samin.

"Ha? Wala no, Tajimae." Sagot ni Bea.

"Good mood yung mga babies ko ah. Ano kaya meron?" Gatong ni Ate Ly.

"Wala po." Sabay naming sabi ni Bea at napangiti lalo.

"There's something talaga." Komento naman ni Kiwi.

"Grabe super seniors." Natatawang sabi ni Bea.

"May something talaga eh." Komento nanaman ni Gizelle. "Iba yung ngiti nila."

"Gutom lang yan guys. Kain na tayo." Wika ko.

Tumawa naman sila at nagumpisa ng kumain dahil napansin nila na wala talaga kaming balak sabihin kung anong meron.

"Sino nga pala maghuhugas ng mga plato?" Biglang tanong ni Ate Ly.

"Si Mads at Bea." Sagot ni Jho.

"Hoy! Kakatapos lang namin nung isang araw ha?" Angal ni Bea.

"Good mood naman kayo. Kaya kayo na lang." Dugtong pa ni Trey.

"Hala oh, Dy. Ayaw maghugas ng plato ni picasso at kulot." Sumbong ko kunwari.

"Hoy!! Sino may sabing ayaw namin?! Kami nga maghuhugas. Di ba kulot?" Mabilis na sabi ni Jho.

"Oo nga!" Sang-ayon naman agad ni Trey. Napatawa naman kami sa reaction nila.

"Wait, bakit tahimik ang WongPong?" Biglang tanong ni Ate Mae.

"Kahit JiaMich tahimik rin." Dugtong ni Kim. Okay na sa kanya yun past nila ni Mich. Siya nga ngayon pusher ng JiaMich. Mala-founder ng fansclub nung dalawa.

"LQ?" Tanong ni Kiwi.

"No!" Sabay sabay na sagot nung apat.

"Eh bat galit kayo?" Tanong ni Gizelle habang kinakain yung bacon ni Ate Mae.

"Bacon ko yan, Tan!!" Reklamo ni Ate Mae.

"Ay, sorry nakain ko na." Wika niya sabay subo ng buo dun sa natitirang bacon sa plato ni Ate Mae.

"MA. GIZELLE JESSICA!!!!" Sigaw ni Ate Mae.

"Lagyan mo ng Tan. Nahiya ka pa sa complete name ko." Banat naman ni Gizelle.

Nagtawanan nanaman kaming lahat. Ganyan talaga kami every morning. Lalo na kapag walang training. Sabi nga ni Coach Tai, happy happy.

"So may away nga ang WongPong at JiaMich?" Tanong ni Ate Ly.

"Wala!" Sabay sabay nanaman nilang sagot.

"So kailangan sabay sabay talaga sa pagsagot?" Tanong ni Ana.

"Ly! That's my pancake!" Reklamo bigla ni Kiwi.

"Ow. Sorry." Wika ni Ate Ly kaagad pero hinati naman niya.

"So unfair! I got only half pancake." Nakangiwing sabi ni Kiwi.

"Grabe guys. Nauubusan ba tayo ng pagkain? Wala naman si Donya ha?" Tanong ni Jho.

"Lagot ka picasso!! Nakarecord yung sinabi mo!!" Pananakot namin sa kanya.

"Hala, grabe guys! Joke lang yun!" Biglang bawi ni Jho.

Where My Love Goes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon