Simula

4.7K 77 5
                                    

Simula| Worth it

"Let's welcome the defending champions Ateneo Lady Eagles, Volleyball team!"

Cheer rally today. Before magstart ang UAAP season lahat ng school may cheer rally. Lahat ng varsity players magkakasama para makilala ng mga freshies.

Nakakalungkot lang kasi last year na ng mga super seniors namin, si Ate Ly, Ate Mae at Kiwi. Pero masaya din naman kasi may mga rookies kami na kasing gulo ni Donya Ella.

"Uy friend!! Ang lalim nanaman ng iniisip mo!"

Napapitlag ako dahil sa sigaw ni Sumang sakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya.

"Hilig mo talaga manggulat eh 'no?" Asik ko sa kanya.

"Hoy hindi kaya! Kanina pa 'ko talak ng talak dito, di ka naman namamansin." Depensa niya.

"Ay, sorry naman!" Wika ko.

"Aba dapat lang!"

"Wow naman, Sumanguid."

"Biro lang! Magselfie nga tayo, friend!" Kwelang sabi ni Sumang. Pumayag naman ako agad.

Lumapit din samin ang buong volleyball team para maggroupie. Game na game naman kami dahil eto talaga ang masayang part ng cheer rally. Si Therese naman ay hinila ako pati si Bea. Wala si Kat kaya kulang kami.

"Batchies! Picture!" Masayang sabi ni Therese.

"Incomplete.." Wika ni Bea kaya napatingin kami sa kanya. "Wait, there she is! Jho!"

Napairap na lang si Therese. Napaiwas naman ako ng tingin. Akala ko pa naman si Kat yung tinutukoy niya. Lumapit naman si Jho samin.

"Why, beh?" Tanong niya.

"Picture, batchies!" Wika ni Bea. Tumango naman si Jho.

After namin magpicture lumapit sakin si Cole Micek para magpicture kasama ko. Pumayag naman ako kaso puro may mukha din ni Bea. Pambihira

"Ay, photobomber si Bea." Sabi ni Cole.

Sinamaan ko ng tingin si Bea pero tumawa lang siya. -___-

"Mads, sali tayo sa team ko! Tara!" Sabi ni Cole sabay hila sakin. Nagpataniod na lang ako dahil wala naman na akong magagawa.

Sinali ako ni Cole sa group picture nila. Kahit nahihiya ako ay game pa din na nakisabay sa kanila.

Bumalik din ulit ako sa mga kateammates ko na busy pa rin magpicture.

"Ate Mads! Sali ka dali!" Masiglang sabi ni Ria Lo.

Nakisali naman ako kasama sila Deanna pero umalis din kasi sumali sila Bea. Tinabihan ko si Jia na ngayon ay malayo ang tingin.

"Jujubear! You okay?" Tanong ko sa kanya.

Pinanliitan niya ko ng mata. "Wag ka nga manggulat!"

"Hala? Hindi naman kaya! Ang layo kasi ng tingin mo." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Sayang no? Wala na sila Ate Ella." Sabi niya bigla.

"Mas masaya kung nandito sila." Dugtong ko.

"Kakayanin kaya natin yung season ngayon?" Tanong niya bigla.

"Ay, oo naman! Nukaba, believe nga diba?" Nakangiti kong sabi.

"Tama na nga drama, picture na!" Natatawa niyang sabi.

Nagpicture naman kami ni Jia ng sobrang dami. Yun kasi gusto niya. Makikisali sana si Bea samin kaso nauna sila Ponggay.

"Sali kami!!" Sigaw nila Ponggay kaya wala na kami nagawa ni Jia.

Pagkatapos ng groupie kasama ang rookies ay nagsolo ulit kami ni Jia. Wala lang. Trip lang daw niya. Haneerp

"Bakit di mo kasama batchies mo?" Tanong ko.

"Busy sila." Wika niya.

"Ayun sila oh!" Turo ko kila Mich at Kim. "Bat ayaw mo sumali sa kanila?"

"Tamad ako eh."

"Uweeh?" Pangaasar ko. "Aray ko naman Jia!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Mangasar ka pa."

"Wala kaya akong sinabi!" Depensa ko. Sinimangutan niya lang ako kaya napatawa ako.

"Eh ikaw?" Tanong niya sakin.

"Si Trey kasama si Rex. Si Bea.."

"Kasama si Jho?" Wika niya na may halong pangaasar.

"Nyenyenye." Pangaasar ko rin sakanya. "Beshies mga yun."

Napatitig ako sa mga taong nasa loob ng gym. Dati pangarap ko lang maglaro dito, ngayon isa na ako sa mga nagrerepresent ng school.

"Ji, tingnan mo sila Deanna at Ponggay." Wika ko sabay turo sa kanila.

"Cute nila no?" Tanong niya sakin. "Inggit ka lang eh."

Pinaningkitan ko siya ng mata. At tumawa naman siya.

"Mads walang kaeffort effort yang panliliit mo ng mata sakin." Wika niya sabay tawa.

"Bastos ka ha." Nakasimangot kong sabi. Tawa lang siya ng tawa.

"Ako ba ang naiinggit o ikaw?" Tanong ko. "Aray ko naman!"

Hilig mambatok ni Jia. Di nako magtataka isang araw mawalan na ako ng ulo.

"Bat naman ako maiinggit?" Tanong niya sakin.

"Ay, malay ko sayo friend." Natatawa kong sabi.

"Sumang ikaw ba yan?" Natatawang wika rin ni Jia.

Natawa na lang din ako pero bigla din nawala dahil may nahagip ang maganda kong mga mata.

"Mads?" Tawag sakin ni Jia na nakatingin sa dalawang tao.

"Hm?"

"Bakit nawala closeness niyo ni Bea?" Bigla niyang tanong.

"Ha? Hindi naman ha." Sabi ko.

"Liar.." Wika niya. "Hindi na kayo tulad ng dati. Sabi nga sa twitter, awkward daw kayo."

"Wow!! Updated ka?" Tanong ko sabay layo sa kanya. Nakaready na kamay niya pambatok eh.

"Magseryoso ka nga." Wika niya.

"May mga bagay talaga na bigla na lang nababago."

Walang permanente sa mundo. Minsan kung ano pa yung pinakamasakit na nabago sa buhay mo ay yun pa ang nakakabuti sa lahat.

Ngumiti si Jia sakin. "Pero sure ako na hindi nagbago feelings niya."

"What do you mean?"

"When you nod your head but you wanna say no?" Biro niyang sabi.

"Should I laugh now? Ha-ha-ha." I asked sarcastically.

Humagalpak siya sa tawa. "What I mean is, batchies kayo. Sooner or later, babalik kayo sa dati."

"Ji, walang nakakabalik sa dati. Ni time machine nga impossible diba?"

"Hindi man kagaya ng dati, malay mo mas matatag diba?"

"What if mas marupok pala?" Tanong ko.

"Walang mawawala kung susubukan. Mas mahirap ang what if's sa future." Nakangiti niyang sabi.

Pero nakakatakot pa rin. Lalo na kung paulit ulit nangyayari. Tulad nga ng sabi nila, bakit nababawasan yung pagtawa mo sa paulit ulit na joke? Kasi nakakasawa na marinig diba?

Parang sa paulit ulit na pagiwan sayo. Magsasawa ka kakatanggap sa kanya. Kaya natatakot ka ng magrisk ulit.

"Nakakatakot magrisk, Ji." Sabi ko.

"Malay mo worth it naman pala? Give it a try, Mads. Dito lang kami ni Trey to support you." Sinserong wika ni Jia.

Sana ganun kadali lagi yung solusyon sa mga problema no? Para everybody happy. Kaso sabi nga, kapag lahat madali, madali lang din magtatapos. Mas masarapan kapag pinaghirapan.

Where My Love Goes?Kde žijí příběhy. Začni objevovat