Kabanata 7

1.7K 47 3
                                    

Kabanata 7| Laban lang

Pagpasok ko sa kwarto ay nandoon si Jia at Trey. Pareho silang nakaindian seat na halatang inaantay talaga ako.

"Sa wakas!!" Biglang sigaw ni Trey. "Nagsexy time kayo?"

Binato ko siya ng unan dahil sa sinabi niya. Nagtawanan silang dalawa ni Jia.

"Marami kang ikukwento, Madzilla!" Wika ni Jia.

"Pwede next time na? Antok na ako eh." Palusot ko.

"Che! Di uubra sa amin yan twinny!" Nakasimangot na sabi ni Trey sakin.

Napakamot naman ako sa ulo. Bakit ba lagi akong talo sa usapang ganito?

"Kwento na, dali!" Naeexcite na sabi ni Jia.

Kinwento ko mula sa pagpunta namin ng Tagaytay hanggang sa paggala at paguwi namin ng Manila.

"Oh my god! Confirmed nga!" OA na sabi ni Trey.

"Told you kulot. Trust my instincts kasi." Proud naman na sabi ni Jia.

"Yabang mo panda." Wika naman ni Trey.

"Ganon talaga." Proud na sabi ni Jia.

"Kaya pala si twinny lagi niyang sinasama." Wika pa ni Trey.

"At pinakilala na talaga ha." Dugtong naman ni Jia.

"Ah, hello?! Nandito ako oh?" Pagawat ko sa kanilang dalawa.

Napatawa naman sila. "May gusto si Bea sayo."

"What? Wala! Mga baliw! Batchies kami." Depensa ko.

"Wala kang gusto kay Bea?" Tanong ni Trey sakin.

"Friends kami." Sabi ko sa kanya.

"Isang torpe. Isang denial. Wow! Nice couple." Wika ni Jia.

"Wow. Makapagsalita kala mo may lovelife." Asar ko sa kanya. Sinipa naman niya ako  "Aray ko ha! Di naninipa ang panda!!"

"Che! Denial queen!!" Balik na asar sakin ni Jia.

Alam ko.. alam ko kung ano nararamdaman ko. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Here." Sabi ko sa dalawa sabay abot nung white rose.

"Akala ko ba di ka bumili ng pasalubong?" Takang tanong ni Jia.

"Yung nagbebenta dun sa people's park binigay sakin yan." Paliwanag ko.

"Ha? Eh bakit mo binibigay samin twinny?" Tanong naman ni Trey.

"Sabi kasi niya bigay ko daw sa mga taong mahahalaga sakin." Nakangiti kong sabi.

"Aw! Sweet mo naman." Magkapanabay nilang sabi sabay yakap sakin.

Dito na natulog si Jia sa kwarto namin. Tinatamad na daw kasi siya bumalik sa kwarto nila. Kaya hinayaan na namin.

Kinabukasan ay balik training nanaman kami. Sabay sabay kaming tatlo na bumaba. Nasa dining table na rin sila lahat. Nakita kong medyo mugto yata mata ni Jho. Magtatanong sana ako kaso nagdaldal na sila Ate Mae. Ano kayang problema ni Jho? Bakit mugto yung mata niya?

"Okay ka lang?" Bulong ni Jia sakin.

"Mugto ba mata ni Jho o duling ako?" Bulong ko rin sa kanya.

Napahagikhik naman siya. "Mugto nga."

"Oy kayong dalawa! Ano yan ha?" Mapangasar ang tingin na binigay ni Ate Ly samin.

"Si Ate Ly ang bully." Wika ni Jia.

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now