Kabanata 3

2.2K 56 0
                                    

Kabanata 3| Seryosohin

Hindi ko na kinakaya kakulitan ni Bea. Minsan gusto ko na lang siya itapon sa ilog pasig para manahimik na kaso maaalala ko na mas malakas siya sakin kaya balewala rin.

Paano nung isang araw katok ng katok sa kwarto namin ni Trey tapos wala lang daw kasi siyang magawa. -_____-

Nung minsan naman ang kulit kulit niya kaya sinaraduhan ko siya ng pinto. Hindi ko na rin siya maintindihan kasi mas lalo siyang nagiging clingy samin ni Therese.

Tinakasan namin siya ni Therese. Nagaya kasi siyang kumain sa labas pero may klase pa kasi siya tapos na klase namin nun. Napikon siya samin nung nalaman niya na kumain na kami.

Flashback..

"Sabi ko kakain tayo sa labas diba?" Nagmamaktol na sabi ni Bea.

Nagkatinginan kami ni Therese. Patay na. Nagmaktol na ang Beast.

"Nakalimutan namin, Bey. Bawi kami sa susunod." Sabi ni Therese.

"Samahan niyo ko ngayon." Sabi niya bigla.

Pambihirang bata 'to. Kakain lang kailangan kasama pa kami!

"Be!! Kain tayo tara!" Si Jho.

"Ayun si Jho kain daw kayo." Ulit ni Therese.

Sinamaan kami ng tingin ni Bea. Pinilit pa talaga namin siya para sumama. Sa huli ay sumama pa din siya. Pabebe talaga eh.

End Of Flashback..

Hindi na naulit yung pagtakas namin ni Trey kasi bantay sarado na kami ni Bea. Actually, si Trey nakakatakas siya dahil kay Rex. Kaya ako tuloy yung naiiwan kasama si Bea. Kahit ayoko wala naman akong choice kaysa sa awayin niya ko ulit. Kahit umay na umay na ako sa pagmumukha ni Bea ay gora lang kami mga bes.

"Tara na, Mads."

Tulad ngayon, imbis na sa shuttle kami sumakay ay sa kotse niya kami sumakay. Yaman niya e 'noh?

"Bakit hindi tayo sumabay sa kanila?" Tanong ko.

"May pupuntahan tayo after game." Sabi niya.

Tumahimik ako ulit. Ayoko naman magtanong pa ng magtanong lalo na't nagdadrive siya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya bigla.

"Konti." Wika ko. "Ikaw ba?"

"Slight. Pero naniniwala ako na kaya natin." Sabi niya ng nakangiti.

Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. Minsan may sense kausap si Bea pero madalas wala talaga dahil pangaasar lang nakukuha ko mula sa kanya.

Nang nakarating na kami sa Arena nadatnan namin mga teammates namin na nasa dugout na rin kaya nagmadali na rin kami. Ginawa na namin ni Bea yung rituals namin before game.

"Aba naman! Magkasama nanaman kayo?" Pangaasar na bungad ni Ate Fille samin.

"Di kaya magkapalit kayo ng mukha niyan?" Dugtong naman ni Ate Jem.

"Grabe, seniors." Natatawang sabi ni Bea. Napailing naman ako.

"Hindi magkakapalit ng mukha kundi magiging isa. Baby BeaDdie." Sabat ni Ate Ly.

"Nadali mo, Ate Ly!" Tuwang tuwang sabi ni Bea. Nagmake face lang ako sa kanya.

Nagumpisa na yung game. Unang set pa lang dikitan na. Napansin ko na hataw si Jho sa paglalaro ngayon. Ano meron? Nang naging steady na ang game namin against UST, humataw na rin kami nila Ate Ly.

Where My Love Goes?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें