Kabanata 23

1.9K 51 4
                                    

A/N: Mahaba habang chapter to. Happy birthday, Maddie!!!!

Kabanata 23| Selos

"Babe! Samahan mo na kasi ako!"

Isang linggo na nakalipas simula nung nagusap kami nila Ate Ly. Nakiusap din siya na wag na lang i-open up yung topic na yun. At eto kami ni Bea ngayon, nagtatalo nanaman.

"Ayaw ko nga. Leme sleep!"

"Babe, it's Kelv's day next week. And I need to buy gift for him." Pagpapaliwanag niya.

"Then, buy. Shoo." Pagtataboy ko sa kanya.

"I need your help!" Giit niya.

"Bae, tanda mo na. Kaya mo na yan. Leme sleep first." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Let's go na kasi." At niyugyog nanaman niya ako.

"Stop!" Sigaw ko at hinawi yung kamay niya.

"Please?" Pamimilit niya.

"Fine." Inis kong sabi.

Kahit antok na antok pa pinilit ko yung sarili ko na tumayo at makapunta sa banyo. Hindi rin naman kasi ako titigilan ni Bea. Asa pa ako diba? Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay lumabas na ako. Kinakalikot nanaman niya mga gamit ko.

"Let's go?" Nakangiti niyang tanong. Tumango na lang ako.

Pagkababa namin nadatnan namin yung WongPong na naguusap. Oo nga pala, long weekend ngayon. Kaya nandito lahat.

"Alis kayo?" Tanong ni Kim na nasa pintuan.

"Yup. Mall lang." Sagot ni Bea.

"Okay. Ingat!" Sabi ni Kim.

"Pasalubong ha!" Pahabol ng WongPong.

Seryosong nagdadrive si Bea habang hawak yung kamay ko. Naalala ko dati magtatalo pa kami dahil gusto niya hawak niya kamay ko. Ngayon hinahayaan ko na siya. Napahawak ako sa pendant ko.

"You opened it na?" Biglang tanong ni Bea.

Napakunot naman ako ng noo. "No."

"Good." Nakangiti niyang sabi.

Nang nakarating na kami sa mall ay hinila niya ako kaagad papunta sa isang store ng mga laruan. Doon ko lang din nalaman na nagcocollect pala si Kelvin ng mga sasakyan.

"Babe, do you think Kelv will like this?" Tanong niya sakin.

"Ako pa talaga tinanong mo ha? Anong alam ko diyan?" Nakasimangot kong tanong.

Natawa naman siya. "Cute mo. Tara, I'll look for other design."

Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang mangyari. Wala talaga akong alam sa mga ganyang bagay. Sabi ko nga bibilhan ko rin si Kelv kaso ayaw naman niya. Ayos na raw yun.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanya.

Napalingon naman siya sakin. "Gutom ka na?"

"Di." Sabi ko. "Pili ka na ng gift."

Binitawan niya yung hawak niya. "Let's eat first. Maya na 'to."

Hinila nanaman niya ako palabas sa store. Para akong bata sa ginagawa niya. Hindi na ako nagreklamo kasi nagugutom na din talaga ako.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya sakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Craving for lasagna, bae."

Dinala niya ako sa Greenwhich na madalang lang namin kainan ni Bea. Madalas kasi sa bahay nila kami kumakain. Tipid slash mas masarap.

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now