Kabanata 8

1.6K 48 5
                                    

Kabanata 8| Gap

People change after being hurt. Totoo, lahat nagbabago kapag nasasaktan.

Parang si Jia. Mas lalong naging cold. Mas lalong dumidistansya sa mga teammates namin. Alam ko na defense mechanism niya lang yun kasi sobra na siyang nasasaktan.

"12! Focus! Focus!" Galit na sigaw ni Coach Tai.

Training kami ngayon at off ang play ni Jia. Wala sa focus. Parang hindi siya yung best setter na nakilala ko.

"Focus!" Sigaw ulit ni Coach Tai.

Kaso namali ng set si Jia kaya lalong nagalit si Coach Tai. Nagwater break muna kami. Nilapitan ko kaagad si Jia.

"Ji. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Simple niyang sabi.

"Ji naman. Parang di ikaw yung best setter na kilala ko." Lalapitan ko pa sana siya lalo nung bigla siyang magsalita.

"Wag. Maddie dumistansya ka muna. Si Bea magagalit sayo."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jia. Dati ay ayos lang sa kanya.

"You're unbelievable, Jia." Napapailing kong sabi sa kanya.

"Ayoko lang na mag-away kayo, Mads."

Nasaktan ako sa sinabi niya. "So?"

"Anong so?"

"Eh ano naman kung magaway kami? Magkaibigan tayo."

"Ayos na sakin na ako lang nasasaktan, wag lang kayo ni Trey."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinalikuran na niya ako. Naninikip dibdib ko sa ginagawa ni Jia. Nasan na yung suporta na sinasabi niya? Ano nangyari?

Nag-one man si Coach Tai. At si Jia ang napagdiskitahan. Hindi ko alam kung ano na nasa isip ni Jia ngayon. Gusto ko mang tumulong sa kanya ay hindi maaari. Pinagbawalan kami.

"Bakit ba kasi bawal tumulong?" Naiinis na tanong ni Trey.

"Hindi kasi tayo setter." Sagot ni Kim.

"Wow. Anong klaseng dahilan naman yan?" Naiinis na talaga si Trey.

"Sumunod na lang tayo." Sagot naman ni Jho.

"Nung si Gizelle, tumulong si Ate Ly at Kiwi ayos lang? Hindi naman sila libero ha?" Bulong ni Trey sakin.

Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko kung paanong nahihirapan si Jia na i-dig at i-set yung bola. Halatang pinapahirapan talaga siya.

"Gusto mo ba siyang tulungan?"

Napapitlag ako nung may magsalita sa gilid ko.

"Oo. Pero di raw pwede."

"Pinagseselos mo ba ako, babe?"

"Anong sinasabi mo, Bea?"

"Parang pinagseselos mo ako eh." Nakapout niyang sabi.

Bago ako sumagot ay sinabi na ni Coach Tai na tapos na ang training.

"Hindi, Bea." Sabi ko sabay tayo at kuha ng gym bag ko.

Dumiretso na ako agad sa CR at nagshower na. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko ngayon. Una si Jia na parang lumalayo din sakin, pangalawa yung acads ko na ang daming requirements. Hanerp.

Paglabas ko ng CR nandoon si Mich, Kim, Jho at Bea. Iiwas ba ako? O aalis ba ako kaagad?

"Uy, Mads. Tara breakfast tayo. Libre ni Bea." Pangaaya sakin ni Mich.

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now