Kabanata 37

1.5K 47 3
                                    

Kabanata 37| So far

Ang akala ko'y magiging maayos na ang lahat pag naka-uwi na ako. Sa loob ng limang taon, kinaya kong hindi siya makita. Kahit picture man lang ay iniwasan kong makita. Pinaniwala ko yung sarili ko na kapag bumalik ako, malaki yung chance na iiwasan niya ako.

Bumuntong hininga ako at luminga linga sa loob ng restaurant. Makikipagkita ako sa owner ng isang mall dahil balak namin ni Jamie na magtayo ng shop sa mall na iyon. May lumapit na babae sakin, mukhang nasa early twenties pa lang siya.

"Hi. You must be Madeliene Madayag of LMD? I'm Nikki Salcedo of Twin Towers Mall." Nakangiti niyang tanong sakin.

"I am. Hi, nice to meet you.." Tumayo ako at naglahad ng kamay.

"Matagal ka ba naghintay? I'm sorry. Medyo traffic." Sabay kaming umupo.

Umiling naman ako. "Hindi. Ayos lang yun."

"So, I assume nabasa niyo na yung terms and conditions?"

"Ah, yeah. About that may isa kaming hindi magagawa."

"Oh.. the owners will be here in a minute to discuss it with you, Miss."

Napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. Hindi naman talaga dapat ako yung nandito ngayon kung hindi lang sana nalasing si Jamie kagabi.

"Oh, there she is.." Nakatingin siya may entrance.

Napatingin din ako sa tinitingnan niya at laking gulat ko nung makita ko si Bea doon. Anong ginagawa niya dito? Great! Bumagsak ang balikat ko nang napagtanto ko na sila ang may-ari nung mall.

Sabay kaming tumayo ni Nikki para iwelcome yung mga bagong dating.

"This is Beatiz De Leon, owner of Twin Towers mall."

Nginitian naman niya ako. Hilaw naman akong ngumiti. Are you kidding me? Sila talaga yung owner?

"You can leave now, Nikki. Thank you." Ani Bea.

Sabay sabay ulit kaming umupo. I swear, I'm gonna pull Jamie's hair because of this!

"Shall we talk about the terms and conditions?" Tanong ko.

Ngumiti siya sakin. "Napaka-professional mo naman, Maddie. Parang di tayo magkakakilala ha?"

"Kamusta ka na pala?" Tanong niya ulit.

"I'm good, Beatriz. Thanks for asking anyway."

"Sobrang professional mo na talaga. Loosen up." Nakangiting sabi niya.

Ngumisi ako. "I'm sorry, I'm here for business purposes."

Ngumiti naman siya sakin. Dammit! Kung umasta siya parang walang nangyari sa pagitan namin.

"Right. We assume that you'll agree to our terms and conditions, Miss." Naka-business tone na sabi niya.

"Miss.." Hilaw akong ngumiti. "We can't agree to all your terms and conditions."

Napatingin siya sakin. "Bakit?"

"We're based in USA, Miss. Hindi namin kaya yung palaging nasa shop. But, I can assure you that one of the owners can visit it from time to time."

"Wala ka ng balak mag-stay dito?" Tanong niya bigla.

Ngumiti ako. "I believe that's a personal question, Beatriz."

"Paano kung may emergency? Hindi kayo ang haharap?"

"We have secretary to do that. And if ever man na malaking issue yun, Jamie or Brix can come.."

Where My Love Goes?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن