Kabanata 10

1.7K 50 0
                                    

Kabanata 10| Don't

Lumipas yung buwan, pilit naming binabalik yung dating samahan namin ngunit ang sabi nila hindi mo na maibabalik kung ano man ang natapos na.

Naniniwala naman ako, kasi nakita ko kung paano nabago yung pakikitungo nila Jia at Mich sa isa't isa. Kung dati nagaasaran sila, ngayon ay parang magkakilala lang sila. They won't talk to each other pa nga.

"Hoy, Maddie! Nakikinig ka ba sakin?" Pag-agaw ni Mich sa atensyon ko.

Nandito kami ngayon sa ewan ko kung nasan kami. Bigla bigla na lang niya ko hinila at umalis kami.

"Kanina pa 'ko talak ng talak dito hindi ka naman pala nakikinig? Hanep!"

Napangiwi naman ako sa lakas ng boses niya. "Sorry na po."

"Fine, fine, fine.." Wika niya. "As I was saying, me and Kim broke up."

Napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. "What? Why?"

"Kasi nagkakasakitan na kami pareho.."

"Ganon na lang ba yun?" Tanong ko. "Na kapag nagaaway lagi mas pinipili na lang maghiwalay?"

"Siguro? Kasi magsasawa ka din kapag nagaaway kayo madalas."

"Pero diba kung mahal mo talaga hinding hindi ka magsasawa?"

"Oo.. pero hindi ko kaya na makitang unti unting nagbabago si Kim ng dahil sakin."

"What do you mean?"

"When you nod your head but you wanna say no?" Napasimangot naman ako. Naalala ko si Jia. Sinabi na rin niya sakin yan.

"Natry mo na bang masampal ng kaliwa't kanan gamit ang sapatos?" Tanong ko sa kanya.

"Joke lang, Mads." Wika niya. "Hindi mo ba napapansin na lagi kaming nagsisigawan? Kahit maliit na bagay lang pinagaawayan pa namin."

"Alam mo kung bakit? Kasi ang layo na ng pakiramdam niyo sa isa't isa. Yung tipong ikaw nandito ka tapos si Kim nasa kabilang kanto. Kailangan niyo muna magsigawan para magkarinigan. Pero di naman kayo nagkakaintindihan."

"Excatly!" Napakumpas pa siya ng kamay. "Hindi na kami nagkakaintindihan."

"Kasi nga di naman kayo naguusap ng maayos." Wika ko. "Ano ba talaga pinagaawayan niyo?"

Bumuntong hininga si Mich. "Si Jia."

"Ha?! Ano?! Bat naman nasali si Jia?!"

"This past few days, si Jia na lagi kong napapansin.." Mahinang sabi ni Mich. "Namimiss ko yung tawa niya, yung pangbubully niya.. siya mismo. Namimiss ko siya.."

"Bakit?"

"Hindi ko alam.. late ko na narealize."

"Stupid mo naman po kung ganun." Wika ko.

Sinamaan niya ko ng tingin. "Wow. Thank you ha?"

"Welcome." Nakangiti kong sabi. "Sometimes being stupid is good."

"I'm not stupid naman ah!" Asik niya sakin.

"Kung hindi ka stupid bat tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya. "Oh, natahimik ka?" Tanong ko.

"Sinama kita para damayan ako hindi laitin, aba." Nakasimangot niya sabi.

"Mich alam mo naman dapat mong gawin eh. Natatakot ka lang." Sabi ko.

"Parang mas okay na lang na wag magsalita at wag magrisk kaysa sa mawala lahat sakin." Wika niya.

"Ewan ko sayo. Ang labo mong kausap."

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now