Kabanata 1

2.6K 61 2
                                    

Kabanata 1| Lovers

Opening game namin ngayon. Excited pero kinakabahan pa rin. Pero hindi rin naman nagkukulang si Ate Ly sa pagpapalakas ng loob samin.

Nasa first six ako kaagad kaya mas lalo akong kinabahan. Syempre eto yung unang game ko na kasali ako sa first six.

"You can do it, babe!" Wika ni Bea na tila pinapalakas yung loob ko.

"Thanks, Bae." Sagot ko.

Shaky ang naging first set namin dahil nangangapa pa kami. Pero nung second set ay nakabawi na kami at nagdire diretso na.

"Wow! Ang galing mo, Mads! Halos aces ang serve mo!" Natutuwang sabi ni Ate Ly. Ngumiti na lang ako.

"Yay!! Galing mo twinny!" Wika ni Trey sabay yakap sakin.

Napangiti ako kasi alam kong unti unti ko ng napapatunayan na karapat dapat ako na maging parte ng team. Nakakaproud lang din na sobrang dami pa rin ang naniniwala samin kahit nabawasan kami. Nandito pa rin yung supporters nila Ate Ayel at ng Fab5. Pati sila nandito din pero may isang kulang talaga.

"Yay! Congrats sayo beb!!" Sabi ni Jia sabay yakap sakin. "Galing naman!"

"Syempre magaling setter ko eh!" Proud kong sabi sa kanya at niyakap niya ko lalo.

Bigla naman kaming napahiwalay ni Jia dahil may pilit dumaan sa gitna namin. Sinamaan ko siya ng tingin pero she rolled her eyes on me.

"Anong problema nong De Leon na yon?" Naiinis na tanong ni Jia.

Nagkibit balikat lang ako dahil miski ako ay hindi ko alam anong problema niya.

"Selos yun." Natatawang sabi ni Jia.

"Hindi. Ano ka ba." Natatawa ko ring sabi.

"Trust me and my instincts. Nagseselos yun." Tuwang tuwa na sabi ni Jia sakin. Napailing na lang ako.

"Para kang sira, Morado." Natatawa kong sabi.

After ng game naisipan ng team na kumain sa labas dahil nanalo kami at nandito ang mga super seniors. Nung nasa restaurant na kami ay may iilan na nagpapicture samin.

"Si Jia inspired kanina." Pangaasar ni Ate Ayel. "Bakit kaya?"

"May blocker ka ba naman na kagaya ni Maddie eh." Natatawa niyang sabi.

"Ay, sus. Maliit na bagay beb." Pagsakay ko sa biro nila na ikinatawa ng iba.

"Beb?! Naks naman!" Pangaasar ni Ate Fille.

"Pero seryoso, ang galing ng tandem niyo ha." Sabat naman ni Ate Ly.

"Wala eh, JiaDdie yan." Sabay naming sabi ni Jia at natawa.

"Ay? Nagpractice?" Natatawang pangaasar ni Ate Jem.

"Ganun talaga pag may connection, diba Mads?" Nakangiting sabi ni Jia.

"Mala-FilleGretchen ba yan?" Tanong ni Ate Dzi. Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi niya.

"Yas naman!" Nakangiti ko ring sabi.

"Kung may JiaDdie na, wala ng BeaDdie?" Inosenteng tanong ni Ponggay.

"Bago naman nagkaroon ng JiaDdie nagkaroon na ng JhoBea." Natatawang singit ni Trey. "So hindi si Maddie ang unang nagpalit, Ponggs."

Pinanliitan ko naman ng mata si Trey dahil sa sinabi niya pero ang bruha tumawa lang siya lalo.

"What? May BeaDdie pa din naman kaya." Nakangiting sagot ni Bea.

"Weh? Proofs please!" Si Kiwi naman ang nangasar.

"Super seniors please!" Natatawang sabi ni Bea.

Nagtawanan naman lahat pero si Trey at Jia hindi tumawa. Ano bang problema ng dalawang 'to? Namemersonal masyado.

"Ano masasabi mo, ineng? May JhoBea daw." Panggatong naman ni Ate Gretchen.

"Mahirap kalabanin ang original beh." Natatawang sabi ni Jho. "Pati iba naman yung gusto ganern."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Trey at Jia dahil sa sinabi ni Jho. Babanat pa sana si Trey nung sinamaan ko siya ng tingin kaya tumahimik na lang siya.

"Parang FilleGretch lang?" Natatawang sabad ni Ate Ayel.

"Anong FilleGretch po?" Tanong ni Deanna.

"Fille-Gretchen." Sabay sabay naming sagot at nagtawanan. Nanahimik naman si Ate Fille at Ate Gretchen.

May iilan pang lumapit samin na fans para magpapicture. May isang batang babae lumapit samin dalawa ni Bea at nagpapicture siya.

"M-may itatanong lang po s-sana ako." Nahihiya niyang sabi.

"Sige, ano ba yun bebe girl?" Tanong ko.

"N-nagaway po ba kayo ni Ate Bea?"

Napaawang ang bibig ko. "Hala, hindi bebe girl."

"B-bakit po hindi na kayo c-close kagaya ng dati? Pati po h-hindi na rin po kayo s-sweet?"

Siniko ko si Bea ng patago para magpatulong pero ngumiti lang siya at tingnan ako ng kaya-mo-na-yan-look.

"Close pa rin naman kami bebe girl." Sabi ko.

"May JiaDdie na kasi kaya ganun bebe girl." Sabi bigla ni Bea. "Hindi na niya ko sinasamahan.."

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Pambihira! Ako pa talaga?

"Ay, mas bagay po kaya ang BeaDdie."

"Talaga?" Bigla akong inakbayan ni Bea. "Dinig mo yun, Mads? Mas bagay daw tayo."

"Ayiee. Sana po bumalik na po kayo sa dati. Yung super close po at sweet. Sige po ha? Una na po ako. Salamat po."

Kinurot ko si Bea pagkaalis nung bata. Nagaray siya pero tawa siya ng tawa. Minsan talaga nakakainis si Bea. Ay hindi, madalas pala. May times na sweet siya pero may times na parang di ka kilala. In short, abnormal siya. Kaya hindi ko rin alam kung saan ako lulugar.

"Ikaw kung ano ano sinasabi mo." Saway ko sa kanya.

"What?" Maang maangan niyang tanong.

"Bea, please." Wika ko.

"Not doing anything, babe." Wika niya sabay kindat.

Napasimangot ako. "I'm not baboy!"

"I didn't say you're baboy." Nakakunot noo niyang sabi.

"Close naman tayo ha? Saka sweet din." Sabi ko.

"Ang sinasabi niya on cam. Hindi yung patago."

"Anong patago?" Tanong ko. "Patagong pinipikon mo ako?"

"Hoy hindi kaya!" Depensa naman niya.

"Ay, weh? Nanaginip ka huy!" Wika ko sabay yugyog sakanya pero niyakap naman niya ako. Hayuf na yan!!!

Nagpupumiglas na ako pero hindi pa rin niya ako binibitawan. "Pasimpleng tsansing ka ha?"

"No kaya."

"Tsansing ka na! Bitawan mo na ako huy." Wika ko sabay alis ng kamay niya.

Napatigil ako dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Hayuf!!!

"Yan, yan ang tsansing babe." Sabi niya sabay kindat sakin.

"ISABEL BEATRIZ!!!!" Sigaw ko.

"Okay okay lovers, tama na away. Uuwi na tayo." Awat ni Ate Ly samin.

"We're not lovers, Ate Ly!!" Reklamo ko pero inakbayan ako ni Bea. Magsasalita ulit sana ako.

"Shut up or I'll kiss you here." Pananakot ni Bea. "You know I can do it babe."

Hindi na ako nagsalita. Jusko, mahirap na. Baka masakal ko pa si Bea dahil sa mga kalokohan niya. -___-

Where My Love Goes?Where stories live. Discover now