Ang Queen Mother ng Taon

5.5K 561 130
                                    

#HWTS25

//

"Bakla."

"Bakla."

"Hoy bakla."

"Bakla ka!"

"Aray ko!" Sinabunutan na ako ni Quen dahil hindi ko sya pinapansin. Nakatengga lang ako sa harap ng TV habang kain nang kain ng tsitsirya. Naubos ko na kasi 'yung movies nya sa laptop at saulado ko na rin ang formula ng mga Korean dramas pero hindi pa rin ako natitinag. "Ano bang problema mo?! Hihingi ka ba ng Piattos?!"

"Pwede bang tigilan mo na ang pagiging walang kwenta mo?!" Nakapamewang lang sya sa harap ko and even blocked my line of vision. 

"Alis dyan! Nanonood ako! Bastos ah?!"

"May naiaambag ako sa lipunan. Ikaw, wala. Maghapon kang nakatengga. Kain nang kain ng tsitsirya at nagpapadeliver lang kapag naisipan. Maghapon akong wala sa bahay kaya hindi ko alam kung ayos ba ang eating habits mo. 'Yan ba ang goals na sinasabi mo noong college kaya gusto mo nang maka-graduate?! Ang bulukin ang sarili sa loob ng bahay dahil sa heartbreak?! Aba, Nicomaine! Nakakatakot ka naman yata magmahal!"

"Alam ko! Alam ko naman! Stop nagging like you're my mom!"

"I'm too pretty to be just your mom!"

"I'm prettier than you to be just your daughter! Shut up!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka natatauhan!" Sinimulan nyang simutin iyong mga nakakalat kong damit dahil hindi ko alam, parang wala na ba akong panahong maglinis at mag-ayos ng sarili. "Magta-tatlong linggo ka nang hindi pumapasok. Pina-cancel mo lahat ng cards mo at kahit pagwi-withdraw sa bank account mo pinapasuyo mo pa kay Leo dahil ayaw mong lumabas. Ang sinabi mo sa akin, alam nu'ng ex mo 'yung bahay mo at may susi pa sya kaya ayaw mong umuwi du'n. Eh bakit hanggang dito nagtatago ka?!"

"Hindi mo 'yun kilala," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Ako nga, hindi ko kilala 'yun, eh. "Malamang na alam na nu'n ang bahay mo. Hindi lang 'yon makapasok dahil pwede natin syang kasuhan ng trespassing."

I blinked lazily. "And we didn't break up."

"Juskopo, Nicomaine! Sa dinami-dami ng sinabi ko du'n ka pa nag-focus?! So anong gusto mo?! Dito ka na lang forever kasi tinataguan mo sya?! Alam mo, kung gusto mo talaga syang iwasan, why don't you get a restraining order instead of locking yourself in here?!"

"Probably because she wanted to feed her ego," Leo arrived and placed a bag of groceries on the dining table. "Eto oh, abuloy ko sa patay kung hindi mo kayang tustusan ang burol nya, Quen."

"Thank you, Leo," bumalik sa akin ang sungit ni Quen. "Mukhang matagal-tagal pa akong magkakaroon ng palamunin dito."

"She's still into that rehab guy or something," alam na kasi nila lahat. "But then she haven't ended the relationship because one, ayaw nyang manggaling mismo sa bibig nya or two, umaasa pa rin sya. And a tiny part of our friend here probably enjoys the chase. She just wanted the feeling she's being chased; reversed roles and turned tables, I think." Leo just shrugged and looked at me. "Tama ba?"

"Fuck off," I scoffed and ignored them na parang wala sila sa tabi ko. Minsan nakakainis din na kilalang-kilala ka ng mga kaibigan mo, eh. Alam ko kasi sa sarili ko na nasa elevator pa lang ako ng building nya, umasa ulit ako. Umasa ulit ako na he'd go after me despite what I've said.. na hahabulin nya ako at magmamakaawa sya kasi ganu'n ang ginawa ko, 'di ba? Ilang beses nya akong tinulak palayo pero bumalik pa rin ako at lumingkis na parang ahas at kulang na lang sipsipin ko ang dugo nya sa pagiging linta ko.

Pero anong nangyari? Nagalit lang ako - tapos wala. He stayed away at tumawag lang pagkatapos ng dalawang araw.

"What's the record?" Leo asked.

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon