Ang Mga Dakilang Besties ng Taon

7.1K 427 77
                                    

"You're wrong, bessy," sabi ni Quen. Friend since highschool, got reunited after college. Ewan ko ba rito sa baklang 'to, kung anong problema at hindi pa sa university ko (ko talaga? Akin 'yung univ?) nag-aral, medyo papansin sya in that sense. Quennette 'yung real name nya, pronounced as Kenneth. Sabi nya, nakapilantik na agad 'yung hinliliit nya pagkapanganak sa kanya kaya alam na ng Nanay nya na bakla sya. Sarap talaga sapakin nito minsan. "He's not a six. He's a seven or eight. Ano ba, Nicomaine?! Did I teach you wrong?!"

"Yeah, he's around that," sabi naman ni Leo. Bisexual naman sya at may mga female crushes pa rin but he has a boyfriend, so yeah, ako lang talaga ang ang girlash dini sa amin, although mas mapilantik pa rin sila. "Tsaka Faulkerson 'yung apilido nya, oh. Hindi naman Filipino surname 'yon. Baka may lahi sya or something."

Jusko, are we going to have blue-eyed babies or something?! Excited na talaga ako!

Ang advanced ko naman mag-isip. Kahit 'wag na muna 'yung blue-eyed babies. Kahit 'yung /or something/ na lang muna, keri na.

"Madidiligan na ba keps mo?" Kinurot ni Quen 'yung bilbil ko. Kainis, ha?! "Twenty-four years mong inintay 'yan, Neng! 'Wag mo na pakawalan. I swear it will all be worth it!"

Sa kakasama ko rito kay Quen, sobrang na-adapt ko na talaga 'yung pagsasabi nya ng I swear. "I swear momshie, kapag ako na-hopia rito dahil super duper ang pagchi-cheer nyo, ewan ko na lang. Makakasapak ako tapos sabay-sabay tayong tatandang dalaga nito."

"Ako okay lang tumandang dalaga," Quen said nonchalantly. "Ilang beses na akong nadiligan. Ikaw, neng?"

"Shut up nga!" Natawa na lang si Leo sa amin kaya humarap ako sa kanya. "Ako, Leo? Hindi mo ba talaga ako crush or something?"

Ngumiti sya sa akin. Jusko, ang pogi nya, ang ganda ni Quen, hindi na talaga ako nagtatakang ako lang ang single sa amin. "Baby girl," he tapped my shoulder lightly. "You're not enough to make me straight."

Grabe na talagang parusa 'to sa akin! Pati ba naman bisexual, nire-reject ako?! Masakit na talaga 'yung heart ko, sobra. Hindi lang puso ko nasasaktan, pati pride ko, naka-sampung tapak na silang dalawa!

This is what I like about them. Alam nyo 'yun, 'yung kahit chini-cheer nila ako, they had always made me face the ugly truth. Hindi naman sa ugly truth pero hindi nila sinu-sugarcoat 'yung katotohanan. Oh 'yan, Menggay, wala kang pag-asa dyan. 'Wag mong i-push 'yan, alam ko 'yang mga ganyang lalaki. Menggay, we've been there. Ganyan. Kadalasan talaga nakaka-stress ang mga friendships mo na maraming experience pero minsan nakabubuti talaga sa'yo.

In my case, ewan ko, basta ang pangit ni Quennette, bwisit.

"Friend, try mo 'yung paakyat ng stage?" Nandito kasi kami sa paborito naming tambayan. I don't know what to call this exactly, but its just a good place to chill. Medyo in between sya sa coffee shop at sa bar because you could order drinks at the counter but you could enjoy soft beverages on the tables? Ang weird, but hey, since college days dito na talaga kami. And someone performs on the stage occassionally. "I think.. yummy siya."

"Hay nako, Quennette, wala akong panahon para sa -" HolyshitNanaykoipapakilalakonasayofuturesoninlawmotalagathisisdestinyfatewhateveryoucallitperonakatadhanakaminggumawangfaulkersonbabiesblueeyedornotinthefuture.

Ano ba 'to, Lord? Masyado mo naman akong binibigyan ng sign? Ayun sya, eh. Si Rj. 'Yung seminarista. Nasa stage. Tumutugtog ng piano. Can't Help Falling in Love or Can't Help Falling in Love With You? Ano ba title no'n? Aba malay ko pero ako dapat yata talaga kumakanta no'n para sa kanya!

"Oh my God! Mamang! Sya 'yan!" Halos masira 'yung damit ni Quennette sa kakahila ko. "Siya 'yung magiging tatay ng mga anak ko!"

"Tangina girl mapapatay kita regalo 'yan ng jowa ko!" Binitawan ko na sya. Eh kasi naman eh! "Ano, OA lang? Tigang na tigang? Makasigaw ka kala mo pinasadahan ng daliri 'yang kipay mo, eh!"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon