Ang Pagmamaganda ng Taon

5.1K 469 88
                                    

I returned to my normal clothes. These past few weeks kasi, palagi na akong naka-awra kasi nga may crush ako sa office. Eh since wala lang pala sa kanya 'yung feelings ko at sa tingin nya ay petty lang ito at nadadala lang ako ng kagandahan kong tunay, huwag na lang tayong maging atribida.

In fairness, feeling ko tama sya. Sobrang nasaktan kasi talaga ako sa sinabi nya at pinag-isipan ko 'yun ng mga 99.4567 times kung totoo nga. Gumawa ako ng questionnaire para sa sarili ko, pinavalidate ko, tapos 'yun. Kaunti na lang 'yung natirang feelings sa akin para sa gwapo kong officemate. Eh paano ba naman mga momshie? Indirect man pero ininsulto nya 'yung feelings ko. Siguro mas okay pa kung 'yung suot ko o 'yung cleavage ko 'yung ininsulto nya kasi mas tanggap ko na minsan palya talaga 'yung fashion sense ko at minsan hindi ko rin mahanap ang cleavage ko so okay! Okay lang ako do'n! Pero ibang usapan na 'yung puso ko 'yung dinadale, eh.

I greeted my other officemates and sat at my desk. I started typing right away. Surprisingly, hindi naman ako na-bother kahit kanina ko pa nahahalatang tumitingin sa akin ang walanghiya. Ano? Porke magpapari sya, sya na lang lagi magpapatawad? Pwes ngayon, sya ang humingi ng tawad.

I kept a straight face. Pero maganda pa rin ako, para sa kaalaman ng ating mga ka-DDS at mga yellowtard at mga pro and anti Marcos. Yes. Ang kagandahan ko ay isang universal fact. Alam mo kasi, momshie, kapag warak na warak na 'yung loob mo, the best revenge is to look pretty on the outside. Para walang may alam na tangina, 'yung puso mo pala daig na ang paminta sa sobrang pino dahil sa mga walanghiyang gwapong seminarista na walang alam kundi maging perpekto sa mundo. Bakit ba ginawa pa 'yang mga taong 'yan?! Para pa-inlove-in ako?! Para maging katrabaho ko?! Para ipamukha sa akin na forever alone ako?!

"Maine," the woman next to me said. "'Yung ballpen mo... bali na."

Sa sobrang gigil ko, nakabali na pala ako ng ballpen na hindi ko namamalayan. Ang lakas ko pala ah?!

"Maine?" Napa-angat 'yung ulo ko and I came face to face with the angel-na-bwisit-bakit-ba-ganito-ka-sagrado-mukha-neto. Siguro nga inis na inis ako kasi hindi man lang ako napangiti nu'ng nakita ko 'yung mukha nya. Instead, gusto ko na lang itarak 'tong baling ballpen sa dimple nya para mas lalong lumalim! "Lunch?"

Pinandilatan ko muna sya bago ako umismid. "Busy ako."

With matching flip ng hair 'yon kasi nga... MAGANDA. AKO. PERIOD. HINDI. AKO. HEARTBROKEN. EXCLAMATION POINT TIMES TWO TIMES TWO TIMES TWO!!

I stayed like that for the whole day. Ni wala ako sa mood kumain kasi sobrang ma-pride ako. Jusko naman, mga momshie, pride na nga lang ang meron ako bukod sa kagandahan ko babawasan ko pa?! Mamaya na lang ako kakain sa bahay. Kahit pa mukhang bothered na bothered ang mukha no'ng mokong ay wala akong pakialam. MAGANDA. AKO. Sino ba sya para i-reject ako?!

The clock reminded me that it was time to go. Sa kamalas-malasan naman, ngayon ko pa naiwan 'yung payong ko. Bakit ba ang tanga ko minsan? Pati ba naman payong, iiwan ako? Ano ba? Sino pa bang hindi susuko sa akin maliban sa dalawa kong baklang kaibigan, leche?!

Tatakbo na sana ako para tumawid at mag-intay ng sasakyan when a hand held my wrist. Nagulat ako nu'ng nahila ako pabalik sa sidewalk na parang eksena sa pelikula o kaya sa teleserye o dahil sige na nga hindi naman ako ganu'n ka-artistahin at tanggap ko lang na maganda ako ay sige, papayag na akong patalastas na lang.

"Share na tayo," sabi ni Richard. Ay wow? Ngayong desidido na akong magpakabasa sa ulan dahil ayokong humingi ng tulong, saka sya eeksena? Ano 'to?

"Jusko, alam ko na 'yan," pagalit kong sabi ko sa kanya. "Hindi ako uto-uto. Sa sobrang dami ng napanood ko, 'di ko alam kung may originality ka pa. Buti na lang lumabas ka sa seminaryo, 'no? Para na-experience mo 'yung real life? Anong gagawin mo? Papasukubin mo ako sa payong mo tapos? Syempre magiging close tayo. Mai-invade mo 'yung personal space ko. Tapos titingin ka sa mga mata ko. Tapos slowly but surely but sweetly syempre kasi bakit? Hihingi ka ng sorry sa pang-iinsulto mo sa feelings ko. Tch." I rolled my eyes. "Alam ko na 'yan. Wala bang bago?"

Tinitigan nya lang ako. "Ahm... ayaw lang naman kitang mabasa, pero kung ayaw mo... sige."

Okay, pahiya ako du'n ha?! Ilang beses nya ba yuyurakan ang pagkatao ko?! He stepped back and motioned for me to go. Ay puta, basag na basag na 'yung kagandahan ko sa ginawa nya! Bwiset! Inis na inis akong tumawid! Tangina, akala nya gwapo sya?! Tangina, akala nya na-hurt ako?! Tangina, akala nya napahiya ako?! Tangina, akala nya iiyakan ko 'yung sobrang liit na bagay na 'yon?! E tangina pala sya eh, manghuhula ba sya sa past life nya dahil I swear iyak na iyak na ako habang umuulan! Ano bang nangyayari sa akin?! Wala pa akong jowa pero mala-pelikula na ang mga ganap?! Dire-diretso akong naglakad nang hindi tumitingin kung nasaan man 'yung gagong 'yon -

- until an arm fell over my shoulders and pulled me closer to him.

He held me. Richard's holding me in the middle of the rain, and while staring, just as I said, he smiled apologetically and whispered: Sorry.

We crossed the street in silence.

Tahimik lang ako hangang makatawid kami. Tinanggal nya 'yung jacket na suot nya tapos pinatong sa mga balikat ko. Hindi ako nag-thank you. Matigas talaga ang panga ko, eh. Iniiwas ko lang 'yung tingin ko kasi hindi ko sya kayang tingnan sa mata. "Wait for me here, okay?" Tapos pinahawak nya sa akin 'yung payong at tumakbo sa ulan.

Minutes later, his car stopped in front of me. Lumabas sya at pinagbuksan pa ako. Pumasok naman ako, pero tahimik talaga ako at hindi umiimik. Ni hindi ko sya tinitingnan. Medyo traffic, pero nagawa nya pang dumaan sa McDo at mag-take-out. "Eto oh," sabay abot ng paperbag. "Hindi ka kasi kumain buong araw."

"I can feed myself," I finally talked. "Sa bahay na lang ako kakain."

"At least take the food home."

"No, thank you."

"Maine..."

Tinanggal ko na 'yung jacket nya sa pagkakasuot ko at nilagay 'yun sa backseat. "Thank you rin para dito. Hindi naman ako nilalamig."

"Maine," he said softly. "I don't want you to reject every small thing I do for you."

"Small thing?" I snapped. "Small thing 'yun para sa'yo kasi wala kang feelings para sa akin. 'Di ba na-inlove ka na? 'Di ba nagkagusto ka na sa ibang tao dati? You must have known what I feel. Naramdaman mo na siguro 'yung naramdaman ko. At some point or another naging parehas na ang takbo ng utak natin. Richard, kapag may gusto ka sa isang tao, you crave for affection. You crave for contact. 'Yung kanina? Nu'ng tinanong mo ako ng lunch? Tuwang-tuwa na ako nu'n because at least I saw that you're bothered!"

I sighed loudly. Sumasakit ang kagandahan ko sa lintik na 'to! "Can't you see what I am doing? 'Yung small thing para sa'yo, malaking bagay para sa akin kasi nga may gusto ako sa'yo! Conscious or not, I'm gonna make a big deal out of everything you do for me!"

"Have you thought about it over and over?" Rj still remained calm. Ang sarap lang tuktukan, seryoso. "A hundred? A thousand? Maine, I'm not worth it. Kaunting oras o panahon pa lang tayong magkakilala. I just wanted to be your friend. I just wanted to enjoy my short time outside and meet nice people. Katulad mo. I'm bothered kasi ayokong nagagalit 'yung mga taong naging kaibigan ko na. And now that I'm asking for forgiveness because I offended my friend, is that too much to ask?"

"You're not asking for forgiveness, Richard," I told him in a low voice. "You're asking me not to like you and that is too much."

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon