Ang Matinding Comeback ng Taon

5.7K 459 122
                                    

#HWTS18

//

Nauna akong magising sa kanya. Richard was a heavy-sleeper; once I've made sure na tulog na talaga sya, umalis ako sa pagkakayakap nya at inayos ang higa ko para makapagpahinga na rin ako. Mga alas-singko na rin ako ng umaga bago nakatulog ng maayos, tapos nagising rin ako ng alas-otso. Grabe, pakiramdam ko nagkaroon ako ng anak bigla.

Bumaba na ako para magluto ng breakfast. Dahil dakila akong bida-bida, feeling ko, housewife ako at nangialam na naman ako ng gamit nya. I wanted to cook a lavish meal for all the tears he shed last night. Medyo nakakapagod din umiyak, ah. But then again, nakalimutan ko na sya nga pala ang wallet ko ngayon at ayaw ko naman syang gisingin kaya kung ano na lang ang nasa fridge, iyon na lang. I settled with eggs and toast. Tapos kape.

Patapos na ako sa pagpiprito noong itlog na para naman sa akin noong bumaba na sya. Naramdaman ko na nakatayo sya sa may likuran ko pero nagtataka naman ako dahil hindi sya nagsasalita, kaya ako na ang nauna. "Good morning. Nakialam na naman ako sa kitchen mo pero 'wag ka nang magreklamo kasi never ko talagang susunugin itong condo mo -"

"Thank you."

Anong meron du'n? Emotional ng umagang-umaga? 'Di ba may oras ang pagiging emotional? Usually, gabi, o madaling-araw, gano'n? "Sa pagpiprito ng itlog?"

I heard him chuckle lightly. "Sa lahat."

"Emote," umismid ako at inayos na sa paborito kong lababo iyong pinaglutuan ko. Umupo na rin sya sa counter habang inabot ko sa kanya iyong creamer at asukal. "Bahala ka na sa buhay mo," sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung anong kape ang gusto mo kaya hindi ko pinakialaman. Simpleng brewed coffee lang talaga 'yan."

"Three teaspoons of creamer and one teaspoon of sugar," sabi nya sa akin, at tinaasan ko sya ng kilay.

"So feel na feel mo talagang sabihin sa akin 'yan? Ano, nakahanap ka ng libreng kasambahay sa akin? Okay lang naman sa akin na alagaan ka pero syempre hindi ako papayag na iyon lang ang gawin ko buong buhay ko at dapat, hindi lang 'yung kakirihan ko ang sustained, pati 'yung bank account ko rin. Afford mo ba ang services ko?"

Tumawa lang sya sa pinagsasasabi ko. "Ano, pati comedienne? All around na ako sa buhay mo, ha?"

"Oo nga, eh," pagsang-ayon naman nya. "Maine?"

"Oh?"

Tumahimik sya sandali, na para bang pinag-iisipan 'yung sasabihin nya. "Ano nga? Pinapakaba mo ako masyado! Ano sa tingin mo, Miss Universe 'to?!"

"Um... what do you think about..."

"Kasal?!" I gasped. "Oh my gosh, 'di pa ako ready! Pero a part me is. Pero grabe, twenty-four pa lang ako! Uuwi pa sina Nanay at Tatay! Si Ate Coleen, gigilitan ako nu'n sa alak-alakan kapag inunahan ko sya! 'Yung Kuya ko, alam mo ba, nakasuhan 'yun dati kasi tumaga ng kainuman! Gusto mo bang dagdagan ang record nya?!" Paglilitanya ko, tapos tawang-tawa na naman sya sa kadaldalan ko. It's just one of my natural spiels and he knows I'm just joking, but hey, it helps. "Oh ano, masaya ka? Naaliw ka na naman?"

He leaned forward and kissed my nose over the counter. "Ang swerte ko sa'yo."

I flipped my hair. "Ghad. Ngayon mo lang na-realize 'yan?"

"I wonder kung bakit NBSB ka?" He took a sip. "You told me that you've never had anyone before me. Salamat, Maine, pero if you don't mind me asking...?"

"Intimidating ako," simple kong sagot. "Apparently, my character was too big for them to handle.

"But you are too nice for your own good."

"Richard," I told him. "It takes the right person to see it. I could look perfect to you and still flawed to other people. Kung ikaw, natatawa sa morning spiel ko, some people would take it as annoying. Iba-iba kasi ang tao. Aren't you just glad that we... somehow... saw the light in each other?"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon