Ang Tuhugan ng Taon

6K 520 186
                                    

i know. i know i'm a rotten person. i don't stay true to my words. okay. i know. thank u for not asking and just reading i love u

//

"What?!"

Wala akong pakialam kung marinig ng buong building kung nasaan ang condo nya 'yung boses ko. Buti na lang kamo, Friday nangyari 'yung buong cubicle and presscon fiasco nya sa mga ka-office namin para at least, may time akong mag-adjust sa magiging reaction ko. I'm supposed to meet Quen and Leo dahil marami akong kuwento, pero nagkaroon ng biglaang meeting si Leo and Quen decided that it would be best to move it na lang. Nakakaasar lang naman kasi I'm supposed to spend the night at Quen's place kaya may dala akong damit at pagkain (syempre I wouldn't buy drinks kasi obviously na mas mataas ang sweldo sa akin ni Leo kaya sa kanya naka-toka 'yun) pero here I am, stranded sa Starbucks na mukhang college student na makiki-overnight sa kaklase dahil sa thesis.

Birthday kasi ni Ate Coleen, 'yung pangalawang sister ko. Hiniram nya 'yung bahay for a house party and I agreed, basta 'wag lang tutulugan 'yung kwarto ko and they'd make sure na malinis pag-uwi ko. Ang kaso nga lang, eto na nga, na-cancel na 'yung lakad ko, wala akong tutulugan, tapos...

...naiwan ko 'yung wallet ko.

Ang galing ko talaga. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay 'yung kagalingan ko sa real life. Minsan ang sarap kong saksakin sa ngala-ngala talaga.

Kaya naman tinawagan ko si Richard para sunduin ako. Hello, nagpasundo talaga ako kasi naiinis ako sa katangahan ko. Buti na lang kamo, may off switch naman 'yung kalandian ko minsan and nagulat din ako that I didn't see this as an opportunity to spend time with him. Sabi ko sa kanya, 'wag mag-motor kasi may dala akong gamit. So expected ko na 'yung kotse na gamit nya lagi sa office ang dala nya, pero iba 'tong pinangsundo nya sa akin. Sorry ha, wala kasi akong alam sa mga sasakyan kaya naman dine-describe ko sila in their colors. Nawiwindang lang ako sa mga ari-arian ni Brother.

So ayun na nga, long story short, kahit nagbasa kayo ng apat na paragraphs bago kayo makarating sa present time dahil sobrang daldal ko, nandito ako sa condo nya, and we've decided to watch a movie na lang. Dito ko na lang kakainin lahat ng dala ko dapat para kay Quen. Sinusumpa ko po sya at panigan sana ako ng sangkabaklaan na nasayang ang effort kong bumili ng mga favorite nya.

"What?!" Ulit ko. "Hindi mo alam kung ano 'to?!"

"Lasang..." nakatingin lang sya doon sa hawak nya. "Ice cream cone?"

Grabe, mga mumshies. One weird fact about Richard: Hindi nya alam kung ano ang barquillos!

"Hindi ka pa nakakain nito?" Nanlalaki talaga ang mga mata ko. Anong klaseng Pinoy ang hindi alam ang barquillos?! "Ever?"

"Ngayon ko lang 'yan nakita," sagot nya na parang hindi sya tunog weird. Kumuha sya ng isa pa ulit at mukhang nagustuhan nya. "Okay naman. Hindi nakakasawa."

Pero hindi ako makamove-on talaga, eh. I have rich friends din naman during college na as in, rich friends talaga na hindi pa nga nagta-Tagalog tapos pa-travel-travel na lang during Christmas break but they know what it is! "Seryoso ka ba?!"

"Oo nga," naiinis na yata sya sa pag-uulit ko.

"Ano pang weird ang tungkol sa'yo na hindi ko alam?!"

"Hmmm," he paused for a while. "Naalala mo nu'ng una mo akong inayang mag-lunch?"

"Oh?" What about it?

"First time kong kumain sa McDo."

Du'n na talaga nalaglag ang panga ko. Medyo kapit pa naman ako sa undies ko today pero talagang literal na jaw-drop ang nangyari sa akin. "Gaano ka ba ka-sheltered?!"

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon