Ang Pambansang Lababo ng Taon

4.9K 418 142
                                    

Hindi ako pumasok. Hello mga momshie, sinong may strength pumasok pagkatapos ng nakakapanlambot-tuhod na kiss na 'yun mula sa yummy na seminarista? Lord, alam kong ilang milyon na 'yung kasalanan ko simula nu'ng pinanganak ako pero dadagdagan ko pa ng isa habang nagpapantasya du'n sa pinili nyong gawing holy vessel dito sa sangkabaklaan.

Grabe. Kung pipila siguro ako kay Richard para sa ostiya, nasa dulo pa lang ako ng pila, nakanganga na agad ako. Patawarin sana ako ng mga santo at santang nakikinig sa akin habang iniisip ko ang mga ganito. Play deaf na lang po mga momshie.

Nakailang tingin na rin ako sa phone ko pero wala pa ring text. Hello, brother Richard! Magparamdam ka naman?! Uso man-up?! Kaya nga kiss sa cheeks lang ginawa ko kasi 'yun lang 'yung kaya kong panindigan 'yung aftermath pero hello?! Kiss sa lips?! Tsaka first kiss ko 'yun, ha! I can't even measure its worth in millions! (Awow. Lakas maka-sang'gre ng ka-sosyalan ko du'n sa statement na 'yon ah.)

Hindi pa ako naliligo, hindi pa ako kumakain. Nakahiga pa rin ako dito at nakatulala. Nagi-Instagram kapag may time at nagii-stalk ng mga Hollywood actors. Nanonood na rin ako ng Korean variety shows para naman ma-distract ako kahit kaunti. Pero shet talagang malagkit pa sa halikan kagabi, bigla-bigla na lang akong ngingiti.

Frustrated na frustrated na 'ko! Pigil na pigil ang mga daliri kong i-contact si Leo at si Quen dahil paniguradong talak ang abot ko sa dalawang 'yun. Sabi ko na talaga kailangan kong mangaibigan ng babae para naman may mapaglalabasan ako ng loob kasi super healthy 'yung lovelife ng mga sisterettes ko biologically and emotionally kaya wala talaga akong masabihan. Naii-stress ako! Ano, should I resort to sub-tweeting na naman?!

Maine Mendoza @mainedcm
... are all first-timers this giddy

As far as I know, hindi gumagamit ng social media si brother Richard kasi 'di ba, aanhin naman nya 'yon kung magpapari sya? Ii-status nya ba 'yung homily nya last Sunday or magtu-tweet ng mga parish schedules for the day? Kaya wala na talaga akong tatakbuhan kundi social media.

Hindi online si Leo at si Quen ng mga oras na 'to. Pero possibly, kung online si Quen even at work, patakas 'yun na nanonood ng mga make-up tutorials. Or gay porn, whatever.

Wala namang pumansin ng tweet ko maliban sa iisang si @rizzaa_mae. Hindi naman familiar sa akin 'yung username at hindi ko naman hobby na mang-stalk ng hindi ko kilala so Twitter, I'm thanking the heavens because you exist for my troubled heart. Ay, special? Para sa'kin lang kaya ginawa 'yung Twitter?

Pumasok na ako kinabukasan. Medyo sumikip 'yung dibdib ko kasi isang buong araw syang wala. Iniiwasan nya ba ako?

Lalo pa nu'ng three days straight syang wala at narinig ko pang kausap sya ni Sir Ian sa phone. Hindi ko marinig masyado kung anong pinag-uusapan nila pero halata kong nag-aalala si Sir sa itsura ng mukha nya at sa tono ng boses. Tinanong din ako nu'ng isa 'kong ka-officemate kasi ako raw 'yung kasama ni Richard mag-lunch kung bakit hindi na pumapasok 'yung eye candy ng office pero wala naman akong naisagot.

Hello, alangang sagutin ko na hinalikan kasi ako nu'ng isang araw eh gago sya paasa malandi ganyan tapos tatago-tago sya kasi 'di nya ako mapanindigan daig mo pa anmang nakabuntis sya at walang pangsustento. Bwisit talaga.

Isang linggo na 'yung lumipas at wala pa rin sya. Para akong tanga na nag-iintay sa wala na tumitingin sa pintuan kada may pumapasok.

Muntik na ako mapagod, eh. Pinanganak ba ako para mag-intay? O umasa? O masaktan? Alin sa tatlo, Lord? Both ba? Shet naman. Isa-isa lang. Dalawa lang kamay ko, eh. Paano ko pa sya hahawakan?

Natapos ang kalbaryo ko nu'ng pumasok sya. Matamlay. Tahimik. Medyo tumahimik na rin 'yung mga kabayo sa dibdib ko na paulit-ulit sinisipa 'yung ribcage ko tuwing nakikita sya so medyo hindi ako nag-panic.

His Way To SainthoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon